Pinagtagpo ngunit 'di itinadhana

Pinagtagpo ngunit 'di itinadhana

A Poem by Melancholic Tellurian

Unang sulyap pa lamang sa'yo,
Tibok ng puso ko'y nagbago,
Mga mata mong sobrang singkit,
Magara mong bestida't damit,

Ang 'yong magandang pulang labi,
Na nagpakinang sa 'yong ngiti,
Mga oras na lumilipas,
Huwag na tuluyang kumupas.

Buong paligid ay nagbago,
Para 'kong nasa paraiso,
Ang isang diwata sa syudad,
Imahinasyo't reyalidad,

Gusto kong ihinto ang oras,
Makapiling ka hanggang wakas,
Teka lang ba't parang may mali?
Pinagtagpo lang ng sandali,

Maligayang oras naglaho,
Kastilyong buhangi'y gumuho,
Di ata tayo nakatakda,
Pangarap ay biglang nasira,

Tadhana ba ang s'yang may gawa?
Pinaglalaruan tayo ata,
'Di nga tayo nakatadhana,
Pinagtagpo 'di tinadhana.

© 2018 Melancholic Tellurian


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

166 Views
Added on October 6, 2017
Last Updated on November 25, 2018

Author

Melancholic Tellurian
Melancholic Tellurian

Bacoor City, Cavite, Philippines



About
My user says it all. more..

Writing