Saya'ngA Poem by Melancholic TellurianAnother spoken poetry.
Heto na naman ako,
magsasalita sa harap nyo. 'Di mawari't mapakali, pakinggan nyo naman kahit sandali. Magk-kwento ng mga sinapit, samahang tumagal ngunit sinaglit. Matagal binuo, saglit tinapos. Tinali ng mahigpit, ngunit natanggal ang gapos. 'Di naman pinilit, pero bakit... bakit? Mga ngiti at tawanan, nawala nang tuluyan. Dun tayo sa taong... ayy mali, dun ka! Dun "KA" sa taong lolokohin "KA". Para handa "KA", handang masaktan. Yung alam mong lalayo at iiwanan "KA". KAKA-yanin mo ba pa? o, KAKA-limutan mo na lang? Basta ang sa akin lang, okay lang naman. Okay na sinayang, 'di ako manghihinayang. Binigay ko naman lahat, ngunit sa'yo ay di sapat. Saya, sayang... © 2018 Melancholic Tellurian
|
Stats
56 Views
Added on September 23, 2017 Last Updated on November 25, 2018 Author
|