Can't Fight This FeelingA Story by jeefoolinHow can you stop your feelings for someone? Tama kaya kung ikaw ay magpakalayo-layo? O di kaya'y mas mabuti na lang na sabihin mo sa kanya ang totoo? Would you risk everything to fight for your love?SIMULA "Huwag ka ngang parang hopeless romantic diyan. Don't stress yourself over that guy! Let's enjoy the night!" pangaral ko sa kaibigan kong kanina pa luha nang luha kahit nandito kami sa isang bar para mag unwind. "I love him so much, Prex, na hindi ko kayang makita siya with someone else." sagot niya lamang sa akin habang patuloy pa rin sa pagbagsak ang kanyang mga luha. Napailing na lamang ako. Ganyan ba talaga kapag nagmamahal? I do not know how it feels kasi hindi pa naman ako naiinlove. How I wish na kapag mainlove man ako ay hindi ganoon ka komplikado. Hindi kasi ako yung tipo na maghahanap ng isang solusyon sa mga komplikadong bagay at pangyayari para maayos lang ito. "Alam mo Jane, hindi tayo pumunta rito para umiyak ka lang nang umiyak. Kung alam kong ganito lang din pala ang gagawin mo, edi sana nagmukmok na lang tayo sa unit mo. Hay naku," napairap na lamang ako sa hangin. Binigyan ko siya ng tissue, "O, ayusin mo na iyang mukha mo. Kung gusto mong mag emote ipagpatuloy mo na lang sa unit mamaya," napangiti siya bigla tapos ibinato niya sa'kin ang nagamit niya nang tissue. Eww. "Loka ito, pinapatahan ako tapos mag-iiyak mamaya?" "Eh sa hindi ko alam kung anong gagawin sa mga umiiyak h," paliwanag ko sa kanya. "Tara na nga doon!" hinila ko na si Jane papuntang dance floor. Ito kasi ang dapat na ginawa namin kanina pa. Tinahak namin ang dagat ng tao. Pagdating namin ay agad na sumalubong sa amin ang nagsasayawang mga ilaw at ang maingay na trance music. "Whooo! Madapa sana ang mga cheater!" sigaw ni Jane habang sumasayaw. Napailing at napangisi na lamang ako sa ginawa niya. Medyo may tama na nga siya siguro dahil nakailang shots na rin kami kanina ng tequila, pero wala pa namang problema sa akin. I can still manage myself. Sumayaw na rin ako ngunit konting kembot lang talaga at tsaka I don't want any skinships with these people around me. Ayokong madikit ang ni kahit anong parte ng katawan ko sa kahit ninumang nandirito maliban lamang sa kaibigan kong ito na kung makagiling ng katawan at makapag-head-bang ay parang wala nang bukas. "Whooo," humiyaw siya ulit at itinaas ang dalawa niyang kamay tsaka tumalon-talon. Seriously? "Matalisod at madapa ang mga cheater!" paulit-ulit niyang sabi habang patalon-talon kasabay sa pag beat ng music. I want to experience how to fall in love, but if falling in love hurts you big time and will make you this insane... I'd rather not to. I don't want to look like a pathetic broken-hearted girl na umiinom-inom ng alcoholic drinks kasama ang nag-aalpasang mga luha at ang kalat na mga eyeliner sa aking mata-- like this woman in front of me. Habang nakatunganga na lamang ako nang dahil sa pag-iisip ay may naramdaman akong mga kamay na pumulupot sa aking beywang. I got stiffed, hindi ako sanay. Katulad nga nang sinabi ko, I don't like skin contacts with someone else except from my friend kaya agad ko itong pinalo. I do not care kung sinong mga kamay iyon because I know that I have the right to do that! I didn't permit him to touch me! "Oww... easy lang." tsaka ngumisi siya na parang loko-loko. Napatunganga muna ako ng sandali sa mukha niya. He is gorgeous. Masasabi ko iyon kahit hindi pa siya nakahubad sa harapan ko. Napakagat-labi na lang ako sa kagagahang naiisip ko ngayon. "Who said that you can touch me?!" singhal ko sa kanya. Tumawa siya ng mahina. God! His laugh is like a music in my ears-- nakakainlove. Nang narealize ko ang mga naiisip, gusto kong pukpukin ng todo ang ulo ko. How come that I can imagine things like that in this situation? Higit sa lahat, sa isang estranghero pa! "I'm just concerned. Nakatunganga ka lang kasi diyan. I thought, you just want some company." pagkatapos niyang sabihin iyon ay kinindatan niya pa ako. Ikinagulat ko ang paglapit niya ulit sa akin. Parang ahas ang mga kamay niyang pumulupot sa aking beywang. Sa takot kong hindi matanggihan ang kanyang mga pinaggagawa ay tinapakan ko na lang ang paa niya at sinapak ko siya sa mukha. "What the..?!" tinitigan niya lamang ako pero mukhang hindi naman siya galit. Umusbong ang kahihiyan ngayon sa katawan ko nang dahil sa ginawa ko. S**t! I need to get out of here! © 2017 jeefoolin |
Stats
42 Views
Added on December 27, 2015 Last Updated on May 3, 2017 Author |