Alay Kay Nanay

Alay Kay Nanay

A Poem by Nhes G.
"

Para sa lahat ng mga Ina, magiging Ina, at minsang naging Ina..

"

Bawat haplos ng iyong mga kamay
Ay kalingang walang kapantay
Sa bawat halik na dumadantay
Kalakip ang pagmamahal na tunay.

Sa pagdapa ko't pag-aray
May pag-aalagang naghihintay
Mga aral iyong ibinibigay
Upang makamit ko ang tagumpay.

Sa bawat pagsubok sa buhay
Sandigan ko ang iyong gabay
Loob ko'y pinatitibay
Ng mga ngiti mong sumisilay.

Kaya ano ka man sa loob ng bahay
Inay, Mommy, Mama o Nanay
Ikaw ang Ina na 'di sumasablay
Sa pag-aarugang walang humpay.

At bilang sa inyo'y pagpupugay
Itong pagdiriwang ay pinakahihintay
Espesyal na araw na lubos inaalay
Pagpapasalamat sa lahat ng Nanay.

Maligayang Araw ng mga Ina!!

© 2013 Nhes G.

My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register

Featured Review

Kabayan, talagang nag-post ka ng Filipino poem dito ha? I like it. Meron din akong collection ng Filipino poems pero naghahanap ako ng site na Filipino articles lang ang pwede para lahat mabasa. Hehe. Wlala naman yatang ganon. At least marami na rin tyo ditong Kabayan. Malapit na nga naman ang Mother's Day.
hanks for sharing this. :)

Posted 11 Years Ago

1 of 1 people found this review constructive.

Reviews

Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe

Stats

190 Views
2 Reviews
Rating
Added on April 30, 2013
Last Updated on April 30, 2013

Author

Nhes G.
Nhes G.

Iloilo City, Philippines

About
someone who finds writing a way of expressing emotions... more..

Writing
Wounded Wounded

A Poem by Nhes G.

Save My Soul Save My Soul

A Poem by Nhes G.