Isang TinigA Poem by Bryan IrionIt is a tagalog poem places fourth for our dialect month or "Buwan ng Wika". The theme is all about what a picture says.Namulat ako sa mundong mapanghusga Ginising ng mga bagay na itinakda, Pinagsisihan, isinabuhay, nilikha, itinadhana Ang tama ay minali nila Ang mali ay tinama ng iba Para akong naglalayag na walang timon Naglalakad na walang paroroonan Tangan-tangan ang mga paniniwalang, Tama ay tama, mali ay mali Mali, tama, mali, tama, ay mali pala Itinakda na ang ngayon Upang ang atensyo’y ituon Sa kung saan ako’y naroroon, Mga kasinungalingang iyong itinapon Ako’y nagdurusa’t nananahan duon Imumulat ang pagkakahimbing Isasantabi ang katahimikan Isisigaw ang mga bulong Sasambitin ang tinik sa pusong sabik, Uhaw at hayok sa paglahad nito Bulag, pipi’t bingi sa kasarinlan Tahan na sa paghikbi, tahan Ang sakit ay akin nang iibsan, karapata’y akin nang tangan tangan Isasambit, kalayaan, kalayaan! Ang kahapo’y nagwakas na sa wakas Ngayo’y sisimulan ko ang bukas Upang ang bukas pa’y mamayani ng pag-asa Akin nang ipangdirigma, inyong mga salita Ako bilang sila, kayo, ako bilang tayo © 2016 Bryan IrionAuthor's Note
|
Stats
264 Views
1 Review Added on October 26, 2016 Last Updated on October 26, 2016 AuthorBryan IrionQuezon City, NCR, PhilippinesAboutBorn to love not to be love. I lost in the fantacies of love, realities over imagination. Writing poetry is my passion, through this I can express everything I want to my love, issues, and to the worl.. more..Writing
|