Kung Ikaw

Kung Ikaw

A Poem by Dhaye
"

Paano nga kaya?

"

Kung ikaw ay isang senador, ano ang hakbang mo
Paano mo aalamin para malaman ang totoo
At kung alam mo na, isisiwalat mo ba ito
Kung ang madidiin ay isang kaibigan mo

Kung ikaw ay isang mambabatas, ano kaya ang gagawin
Kapag nalaman ang totoo, paano ito sasabihin
Kung ang kaibigan o pamilya ang siya namang madidiin
O patutunayan mong ang batas ay nababaluktot mandin

Kung ikaw ay isang mamahayag, paano ka magsasalita
Doon ka ba sa totoo o kung saan ka may mahihita
Lalo na kung nais mo ring sumikat sa pagbabalita
Basta ba may narinig ka'y isisiwalat mo sa madla

Kung ikaw ay isang pari o kaya'y pastor ng simbahan
Ang puso mo ba ay malapit sa taong naghandog sa 'yong kawan
Utang na loob mo ba ang iyong isasaalang-alang
Dahil ang kawan na hawak mo ay kaniyang natulungan

Paano mo ihahayag kung ikaw ay isang guro
Sa mga kabataang sa harap mo'y nakaupo
Naghihintay ng liwanag, ng dunong na isusubo
Kung ano ba ang nais mo sa kanila'y ituturo

Kung ikaw ang presidente, makakaya mo bang lahat
Ang sugpuin ang problemang sa nuno pa natin nag-ugat
Ibababa mo na lang ba ang ngalan ng Pilipinas
Upang laging mayrong tulong sa ibang bansang ngayo'y sikat

Kung ikaw na karaniwang mamamayan na tulad ko
Nag-iisip, nangangarap ng mabuti sa bayan mo
Ang makita sa 'sang sulyap, paniniwalaan ba ito
O pag-aaralang mabuti kung totoo ang narinig mo

Tayong lahat ay malaya, malaya kang magpahayag
Malaya kang maniwala kung kanino ka mahahabag
Kung kanino magagalit, kung sino ang nililiyag
Ngunit isipin mo sana ang bukas ng ating mga anak.

© 2016 Dhaye

Author's Note

Dhaye
Not all we see and hear are true...

My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register

Featured Review

Habang binabasa ko ito naalala ko ang pelikulang Heneral Luna. Marahil part ng ating human nature na uunahin natin ang ating sariling interest. Khit senador, mamahayag, pastor etc ay may kanya kanyang motibo at most of the time interest ang inuuna. Tingin ko hindi pa na inculcate sa atin ang value ng tunay na pagmamahal sa bansa kaya nagkandaloko-loko ang sistema ng bansa.
Totoo na hindi lahat ng ating nakikita o naririnig ay katotohanan at ang mahirap pa nito ay minsan hindi natin kayang tanggapin ang isang katotohanan dahil salungat ito sa bagay na ating pinapaniwalaan sa matagal ng panahon.

Posted 8 Years Ago

2 of 2 people found this review constructive.

Dhaye

8 Years Ago

Salamat, Gab.

Reviews

Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe

Stats

328 Views
1 Review
Added on October 9, 2016
Last Updated on October 9, 2016
Tags: president, law, country, media, news, future, citizen

Author

Dhaye
Dhaye

Philippines

About
Hello! I am Dhaye, a public secondary school teacher, a passionate artist "married" to her dream. I write in different perspectives. So please know NOT all my works are about me. .. more..

Writing
Confusion Confusion

A Poem by Dhaye

Revive Revive

A Poem by Dhaye

The Place The Place

A Poem by Dhaye