Nang Iniwan Mo Ako

Nang Iniwan Mo Ako

A Chapter by Daisie Vergara (Dhaye)
"

Based on the movie "Nang Iniwan Mo Ako"

"
Nang iniwan mo ako
Natakot akong mag-isa
Nasanay kasi ako
Na palaging kasama ka

Nang iniwan mo ako
Mga pakpak ko'y nabali
Ako ay nahulog
At di nakabangong muli

Para akong walang buto
Walang ni konting lakas
Walang man lang pag-asa
Na sa akin ay mababakas

Akala ko noon
Ang buhay ay walang halaga
Ninais kong pumanaw
Sa mundong ito ay tumakas na

Minsan akong nakalimot
Sa mga biyayang tinanggap
Sa pagmamahal ng mga taong
Sa akin ay lumingap

Ngunit natutuhan kong mahalin
Ang buhay na mag-isa
Nang iniwan mo ako
Sarili ko'y nakilala

Salamat sa paglisan
Ako ay natuto
Nakita ko ang buhay
Minahal ang sarili ko

Ngayon ko napagtanto
Kapag nagmahal ka ng sobra
Nalilimot mo ang sarili
Nang dahil sa iba

Kaya nga ang paglisan mo
Ay isang biyaya
Na malugod kong tinanggap
Ngayong ako'y nag-iisa


© 2016 Daisie Vergara (Dhaye)


Author's Note

Daisie Vergara (Dhaye)
Nang Iniwan Mo Ako:
lead roles - Sharon Cuneta & Albert Martinez

My Review

Would you like to review this Chapter?
Login | Register




Featured Review

Nang iniwan mo ako
Mas nakilala ko
ang aking sarili
Kaya ko pala ang tumayo
sa aking sariling paa.

Nang iniwan mo ako
natakot ako na ang kubo
na iyong ipinatayo ay guguho
Di ko sukat akalain na kaya ko pala
ang gumawa ng palasyo.

Nang iniwan mo ako
muli kong napagtanto
na ang mundo ay hindi
umiikot ng dahil sa iyo---

Ang mundo ay umiikot,
MInsan ito'y madilim
pero mas makulay pa rin,
minsan malungkot
pero kadalasan masaya,
Dahil iyon ang nais ko.

Drama malamang ang Nang Iniwan Mo ako..:) The Achy Breaky Hearts na lang malapit na..hehehhe..



Posted 8 Years Ago


2 of 2 people found this review constructive.

Daisie Vergara (Dhaye)

8 Years Ago

Ang lungkot pala ng topic na dadatnan ko dito. 😩😩
Daisie Vergara (Dhaye)

8 Years Ago

Salamat sa suporta, bro and sis.
Daisie Vergara (Dhaye)

4 Years Ago

Miss you both. Hayst, time flies so fast. We are all busy now.



Reviews

malungkot pero maganda :)

Posted 8 Years Ago


1 of 1 people found this review constructive.

Daisie Vergara (Dhaye)

8 Years Ago

Salamat, kabayan.
Fate

8 Years Ago

welcome po :)

Nang iniwan mo ako
Mas nakilala ko
ang aking sarili
Kaya ko pala ang tumayo
sa aking sariling paa.

Nang iniwan mo ako
natakot ako na ang kubo
na iyong ipinatayo ay guguho
Di ko sukat akalain na kaya ko pala
ang gumawa ng palasyo.

Nang iniwan mo ako
muli kong napagtanto
na ang mundo ay hindi
umiikot ng dahil sa iyo---

Ang mundo ay umiikot,
MInsan ito'y madilim
pero mas makulay pa rin,
minsan malungkot
pero kadalasan masaya,
Dahil iyon ang nais ko.

Drama malamang ang Nang Iniwan Mo ako..:) The Achy Breaky Hearts na lang malapit na..hehehhe..



Posted 8 Years Ago


2 of 2 people found this review constructive.

Daisie Vergara (Dhaye)

8 Years Ago

Ang lungkot pala ng topic na dadatnan ko dito. 😩😩
Daisie Vergara (Dhaye)

8 Years Ago

Salamat sa suporta, bro and sis.
Daisie Vergara (Dhaye)

4 Years Ago

Miss you both. Hayst, time flies so fast. We are all busy now.

Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

293 Views
2 Reviews
Added on June 10, 2016
Last Updated on September 16, 2016
Tags: separation, marriage, broken


Author

Daisie Vergara (Dhaye)
Daisie Vergara (Dhaye)

Philippines



About
Hello! I am Dhaye, a public secondary school teacher, a passionate artist "married" to her dream. I write in different perspectives. So please know NOT all my works are about me. .. more..

Writing