SalamatA Chapter by Dhayesa kabutihan mo
Salamat sa malasakit, sa araw at gabi
Sa mga oras na kailangan ko ng kakampi Sa mga sandali ng aking paghikbi Palagi ka lang narito sa aking tabi Salamat sa pag-asa, sa patuloy na paggabay Sa mga sandali ng aking paglalakbay Hindi ako nag-isa, mayron akong kasabay Sa hirap at ginhawa, ikaw ay kaakbay Salamat sa mga salitang aking kalakasan Naging inspirasyong ituloy ang buhay Mga mata'y namulat sa katotohanan Ang mundo'y kayganda at mayroong kulay Salamat sa lahat ng kabutihan mo Mayroon ng lakas na mula sa iyo Anuman ang hamon ng mapaglarong mundo Maliit man at hamak ay lalaban ako Salamat, salamat, aking kaibigan Pag-ibig na busilak aking iingatan Hanggang sa pagtanda, hanggang kamatayan Pagkakaibigan ay walang hangganan. © 2016 DhayeAuthor's Note
Featured Review
Reviews
|
Stats
439 Views
5 Reviews Shelved in 2 Libraries
Added on March 3, 2016Last Updated on April 14, 2016 Tags: goodness, friendship, love, concern Author |