Ang HardinA Poem by DhayeThe Garden
"Ang Hardin"
Minsan ay may isang hardinerong masipag at matiyaga Isang munting hardin ang kanyang kinakalinga Mga halaman dito'y mabeberde at matataba Sa simula'y ganyan siya kasipag mag-alaga Subalit sa paglipas ng mga araw at buwan Siya'y labis na nanghina, lakas nya ay napalitan Yaong mga pananim nya'y unti-unting napabayaan Hindi na nya magawang lahat sila'y madiligan Unti-unti nyang nakita ang ibang bagay sa mundo Di lang pala sa halaman masisiyahan ito Kaya naisip nyang makisayaw, makiusyuso Habang di na nya alam ang nangyayari sa harding ito Noon pala'y nag-uusap mga halaman sa hardin Ang sabi ng isa, "di dapat mangyari ito sa 'tin Habang siya'y nagsasaya, tayo dito'y naninimdim Wala man lang kahit konting wisik sa mga dahon natin" "Oo naman," ang syang sagot ng isa ring nagtatampo "Siya naman ang naghangad na lahat tayo ay nandito Bakit ngayon, nasaan sya upang kalingain tayo? Matapos nyang ipangakong didiligin ating mundo?" "Tayo kaya ay mag-aklas, ano sa palagay nyo? Huwag tayong mamulaklak upang bunga'y wala tayo Sa gayon ay wala rin syang makukuha kahit ano Dapat lamang na magtanda ang palalong hardinero" "Huwag!" Ang sabi ng isang kanina pa nakikinig "Huwag tayong padalus-dalos, sa galit ay hwag padadaig Bigyan pa natin sya ng pagkakataong tayong lahat ay madilig Baka bukas o sa isang araw marinig nya ating tinig" "Kailan pa?" tanong naman ng isa pang naninimdim "Ako'y payat at mahina na, walang silbi na pananim Ang oras ko'y bumibilis, ang araw ko'y nagdidilim Sana sa kanyang pagbabalik, ako'y bahagi pa ng kanyang hardin". © 2015 DhayeAuthor's Note
Featured Review
Reviews
|
StatsAuthor |