PANAGINIPA Chapter by Dhayeikaw at akoHeto ako ngayon, punum-puno ng ngiti Isang balatkayo na mananatili Habang ako'y takot, ngayo'y walang lakas Tahakin, suyurin, maulap na bukas Masdan mo ang labi na nag-aanyaya Ng isang masayang puso ko at diwa Subalit kung masilip ang puso kong pagal Lakas at tatag ko'y di na magtatagal Halika't yakapin ang aking alindog Masdan at lapitan, aking niluluhog Sana makita mo ang bawat bahagi Naluray na laman, dito sa 'sang tabi Durog na ang dibdib, maging ang isipan May bukas pa kayang sa 'ki'y nakalaan? Masdan ang palad kong natigmak sa dugo Halika't subukang gamutin ang puso Tayo na't maglakbay, ang diwa kong tulog Panaginip sana'y saya ang idulog Maging totoo ka't isayaw mo, sinta Magsaya sa gabing pag-ibig ang dala. © 2015 DhayeAuthor's Note
|
StatsAuthor |