KAIBIGAN

KAIBIGAN

A Chapter by Daisie Vergara (Dhaye)
"

hanggang sa huli...

"
Tulad mo'y isang kawal na sa aki'y nagbabantay
Palagi ng tumutulong at sa aki'y dumaramay
Pagmamahal mo sa akin ay di mapapantayan
Di matatapatan ng anumang kayamanan,


                    Tulad mo'y isang tungkod na siya kong alalay
                    Kasama ko sa pagtahak sa landas ng aking buhay
                    Kapag ako'y naghihina ang bigay mo'y katatagan
                    Lakas at tibay ng loob, pang-alis ng alinlangan.


Kahit ika'y nasasaktan, minsa'y di ko pinapansin
Kahit laging sinusuway ang 'yong payo at habilin
Minsan pa nga'y naiinis sa mga pakitang-giliw
Subalit laging nariyan ka't ang tulong mo'y dumarating.


                     Kaya nga ba kaibigan, paano ka malilimot?
                     Paano ka mapapawi na kagaya ng alabok?
                     Dito sa 'king alaala'y palagi ng nakasunod
                     Ang mabubuti mong gawang sa akin ay idinulot.


Di nga kita malilimot, O mahal kong kaibigan
Pagka't ika'y lalagi na sa 'king puso at isipan
Larawan mong nakangiti'y di na yata mapaparam
Pangalan mo'y nakaukit, alaala habambuhay.


                    Salamat, O kaibigan sa masuyong pag-iingat
                    Sa 'ting mga nakaraan, alaala ng lumipas
                    Dalangin ko sa Maykapal, hangga't may araw na sisikat
                    Tayong dal'wa'y  magkaibigan, sa ginhawa man o hirap.



© 2014 Daisie Vergara (Dhaye)


Author's Note

Daisie Vergara (Dhaye)
For those who remained as true friends...

My Review

Would you like to review this Chapter?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

221 Views
Added on June 20, 2014
Last Updated on June 20, 2014
Tags: kaibigan, friend, ako, I, you, ikaw


Author

Daisie Vergara (Dhaye)
Daisie Vergara (Dhaye)

Philippines



About
Hello! I am Dhaye, a public secondary school teacher, a passionate artist "married" to her dream. I write in different perspectives. So please know NOT all my works are about me. .. more..

Writing