URUNG-SULONG

URUNG-SULONG

A Chapter by Dhaye
"

bakit ako ganito?

"
Urung-sulong, bakit kaya hindi ko maintindihan
Damdamin kong ito'y dapat bang pagkatiwalaan?
Nais ko lamang makita, mahal sa piling ng iba
Doon sa bisig niya ay malakas kang tumatawa.

Sa piling ko, aking mahal, di ko alam kung ngingiti
Ang buhay ko'y puro sakit, panay dusa at pighati
Mawawasak ang puso mo sa hirap na aking taglay
Nanaisin mo pa kayang makasama habambuhay?

Di mo alam aking luha ay pumatak sa narinig
Ako'y iyong minamahal, tapat akong iniibig
Subalit kung ang pag-ibig ay di laang magkatagpo
Saang sulok ng daigdig patungo ang mga puso?

Aking mahal, pag-ibig ko'y sadyang tunay, walang hanggan
Subalit di rin maaari kahit ito'y 'yong malaman
Mabuti pang manatiling lihim ito na damdamin
Kahit pa nga batid ko na ang pag-ibig mo sa akin.

Urung-sulong, ganyan ako, patawarin mo sana
Kahit ika'y minamahal, itutulak pa rin kita
Papalayo sa buhay ko kahit ligaya ko'y ikaw
Habambuhay pangalan mo ang tangi kong isisigaw.

Paalam na aking mahal, urung-sulong itong puso
Pagod na akong umasa, takot na akong mabigo
Ito ba ay kasalanan kung magmistula  akong pipi
Magbulag-bulagan at aminin kong ako'y bingi?

Patawad nga aking mahal kung wala na akong lakas
Hindi ko maipaglaban ang pag-ibig nating wagas
Heto ako't urung-sulong, pipiliin kong mawalay
Sa piling ng iba,mahal, may bukas kang naghihintay.







© 2014 Dhaye


Author's Note

Dhaye
Sakripisyo. Pag-ibig. Pang-unawa.


My Review

Would you like to review this Chapter?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

240 Views
Added on June 3, 2014
Last Updated on June 3, 2014
Tags: urong, sulong, ako, bakit, ganito, ikaw, mahal, paalam, goodbye, you, I, love, push, pull, confused


Author

Dhaye
Dhaye

Philippines



About
Hello! I am Dhaye, a public secondary school teacher, a passionate artist "married" to her dream. I write in different perspectives. So please know NOT all my works are about me. .. more..

Writing
Confusion Confusion

A Poem by Dhaye


Revive Revive

A Poem by Dhaye


The Place The Place

A Poem by Dhaye