PASTOL

PASTOL

A Chapter by Dhaye

Malimit kang ipagbunyi't ipagdangal ng 'yong kawan
Sinusunod, tinutupad ang lahat mong kautusan;
Madalas mong sinasabing kami'y iyong minamahal
Kaya't lahat ng nais mo'y para sa 'ming kapakanan.

Ginagalang ka ngang lubos, itinuring kang sandigan
Gumagabay, umaakay upang kami'y wag maligaw;
Ngunit ano itong aking nadaramang kahungkagan
Sa pagsunod ko sa iyo'y nagmistula akong mangmang?

Sadyang mahirap tanggapin at masakit sa damdamin
Kung ang iyong ginagawa'y sadyang di mo saloobin;
Kung ako lang ay 'sang tupang walang utak kung ituring
Paano mo masasabing ang nagturo ay magaling?

Tila ikaw yata, pastol, ang siya ngang naliligaw
Ang dapat na umalalay, dapat ngayong alalayan;
Paano mo sasabihing dapat ka pang parangalan
Kung ang kawan na hawak mo sa 'yo ngayo'y nasusuklam?





© 2014 Dhaye


Author's Note

Dhaye
Everyone has his rebel side. Written year 2004.

My Review

Would you like to review this Chapter?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

258 Views
Added on May 20, 2014
Last Updated on May 20, 2014
Tags: shepherd, sheep, pastol, kawan, tupa, mangmang, herd


Author

Dhaye
Dhaye

Philippines



About
Hello! I am Dhaye, a public secondary school teacher, a passionate artist "married" to her dream. I write in different perspectives. So please know NOT all my works are about me. .. more..

Writing
Confusion Confusion

A Poem by Dhaye


Revive Revive

A Poem by Dhaye


The Place The Place

A Poem by Dhaye