KAPATIDA Chapter by Daisie Vergara (Dhaye)Paano?
Kapatid...
Malimit kong marinig sa iyong mga labi Mga katagang naghahatid sa akin Ng isanlibu't isang luwalhati Sapat na sa tulad kong nag-iisa Ulila at salat sa lahat ng bagay Na ang tanging hangad lamang ay Magkaroon ng kasangga. Kasangga... Iyan ang sinasabi mo sa akin Kung bakit mayroon tayong kapatid Upang sa bawat paglalakbay natin Ay mayroon tayong matatakbuhan Isang kakampi, isang karamay at Matatawag na kapwa. Kapwa... Paulit-ulit mo itong sinasabi Habang tinatapik mo ako sa balikat Walang katumbas ang ligayang dulot Sa bawat pagtapik Sa bawat pagpapadama ng pagdamay. Subalit bigla kang nagbago At ang mga salitang itinuro mo sa akin Ay hindi ko na maalala Sa tuwing masisilayan ko Ang kakaiba mong mga ngiti Habang ang dati mong malumanay At maingat na pananalita Ay napalitan ng ingay Ng tunog ng mga palamuting Nakakabit sa iyong katawan Ang mahinhin mong lakad Ay napalitan na rin ng Rumaragasa mong sasakyan. Malayo na ang iyong narating... Hindi lamang ang iyong diwa Pati na ang iyong puso At maging ang kaluluwa Ay hindi ko na maaninaw. Ang iyong mga salitang dati Ay tinitingala ko Katulad ng mga bituin Habang ang iyong pangalan Ay maingat na isinulat ko Sa isang pahina ng aking aklat Katapat ang salitang Una mong itinuro sa akin- Kapatid Ano ba ang totoo? Paano nga ba masusukat... ang pagmamahal ang pagdamay ang pag-iingat? Sapat na bang ipaliwanag, Iparinig, ipaalala habang ang nakikinig ay patuloy na naguguluhan sa taliwas na nakikita? Paano nga ba? © 2014 Daisie Vergara (Dhaye) |
StatsAuthorDaisie Vergara (Dhaye)PhilippinesAboutHello! I am Dhaye, a public secondary school teacher, a passionate artist "married" to her dream. I write in different perspectives. So please know NOT all my works are about me. .. more..Writing
|