ANG BUHAY MOA Chapter by DhayeA song compositionAng buhay mo ay nagmula sa D’yos Kaya’t ingatan mo itong lubos Masdan mong muli ang kaygandang paligid Lahat ng nilikhang kayrikit.
At sa bawat araw na lumilipas Biyaya N’ya’y hindi magwawakas Sa kanya lamang lahat bumubukal Pagkat ika’y kanyang minamahal.
Koro: Kaya’t/Kung isipin mo kung sino ka’t sino ako Upang matupad mo ang nais N’ya sa buhay mo Salita ng Maykapal, lagi mong isabuhay Lahat ng kapatid ay dapat mong igalang Huwag kalilimutang sa Kanya ay manalangin At sa bawat sandali ay purihin.
Ngayong nalaman mong ang buhay mo Ay di isang munting paraiso Laging tatandaang iyo lang matatamo Kaligayahan na totoo.
(Koro)
Written: 04/06/2006 © 2014 DhayeAuthor's Note
Reviews
|
Stats
313 Views
1 Review Added on May 10, 2014 Last Updated on May 12, 2014 Author |