MANIKA

MANIKA

A Chapter by Daisie Vergara (Dhaye)
"

Para sa batang Pinoy

"

Nakita ko ang iyong ngiti

Hinawakan mo ako, hinagkan

Walang katumbas na kaligayahan

Ang iyong naramdaman

Sa ating unang pagkikita.

Ang mga halakhak mo

Ay tila musika sa aking pandinig

Ang bawat haplos mo

Ay tila mahikang naghahatid sa akin

Sa isang mahiwagang lugar

Na puno ng kasiyahan.

Walang lugar ang hapis,

Walang lugar ang pagluha

Basta’t nariyan ka lang sa aking tabi.

Subalit isang araw

Naging marahas ka

Sa gitna ng iyong kaligayahan

Paulit-ulit mo akong sinaktan

Inalisan mo ako ng mga kamay at paa

At iniwan mo akong luray-luray

Katulad ng mga nauna mong laruan

Dahil isa ka lamang musmos

Na hindi pa marunong magmahal…

© 2014 Daisie Vergara (Dhaye)

Author's Note

Daisie Vergara (Dhaye)
"Nay, gusto ko po ng manika"
"Hindi na kita ibibili ng manika. Sinasayang mo lang ang pera. Sinisira mo lang ang iyong laruan. Maghapon kong pinaghirapan ang perang ibinili ng manikang iyon tapos saglit lang hiwa-hiwalay na kaagad?" ang sabi ng inang nangungunsumi.

Hindi rin naman nakatiis ang ina. Kinabukasan, ibinili niyang muli ng bagong manika ang anak. Isang bagong laruan na muling niyang nakitang walang kamaay at paa at nasa isang panig na lamang ng daan...

My Review

Would you like to review this Chapter?
Login | Register

Featured Review

Ang mga bata kasi madaling magsawa. May manika din ako noon kaso kinalbo ko at tinanggalan ng mata. Nagalit si mommy kasi nagsayang lang daw ako ng pera pero gusto ko lang naman malaman kung anong meron sa likod ng mata kung bakit pumipikit ito pag pinahiga at bumubukas pag pinatayo.

Lesson of the story: Tama lamang na turuan natin ang mga bata to value the things given to them. Pero naisip ko di naman siguro sinasadya ng bata na iwalang bahala ang pinaghirapan ng ina. baka naman curious din lang na idissect yung loob ng manika.

Posted 10 Years Ago

1 of 1 people found this review constructive.

Daisie Vergara (Dhaye)

10 Years Ago

Oy, tumawa ako ng malakas ha? Brutal ka rin sa manika mo dati? Hehehe. Curious talaga ang bata. Kapa.. read more
Daisie Vergara (Dhaye)

10 Years Ago

*mong; anong

Reviews

Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe

Stats

504 Views
1 Review
Added on May 10, 2014
Last Updated on May 10, 2014
Tags: Pinoy, manika, laruan, bata

Author

Daisie Vergara (Dhaye)
Daisie Vergara (Dhaye)

Philippines

About
Hello! I am Dhaye, a public secondary school teacher, a passionate artist "married" to her dream. I write in different perspectives. So please know NOT all my works are about me. .. more..

Writing