Ang Umalagwa Sa Mga Pilipinong Tanyag

Ang Umalagwa Sa Mga Pilipinong Tanyag

A Poem by Gabriel Gloria D.C.
"

Kasapi ng kabutihan ang nakakaintindi.

"
Ang umalagwa sa mga Pilipinong tanyag 
Isinulat ni Hans DC


Naanig sa pabaong kolorete ng tagping bahay. 
Sinisi sa nabuwal ang hindi malunasan. 
Itanong mo sa pipe hindi sa bulag, 
Ang hindi maunawaan ng mga puspos sa puta. 
Mga walang hiya ang nangarap, 
Hindi ang naniwala sa kinabukasan ng bayan. 
Mga hindi nalunod ang niligtas mula sa ipo-ipo, 
Hindi ang lumusong sa maputik na bayan ng pinas. 
Itanong mo bayan kung sino ang nagkulang. 
Itanong mo bayan ang isinugo mong balbal. 
Balbal sa paghangad ng pangkalahatang ginhawa.  

Maamo ang nakatingin sa biyaya ng walang pagnanasa, 
Ang may paninindigan sa prinsipyo at mabuting impluwensiya, 
Ang naniwala sa kapangyarihan ng bawat Pilipino, 
Ang namamayagpag sa pawis ng konsensya, 
Sila ang may alagata sa pilipinong magiting.

© 2020 Gabriel Gloria D.C.


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

166 Views
Added on May 13, 2019
Last Updated on April 8, 2020

Author

Gabriel Gloria D.C.
Gabriel Gloria D.C.

Navotas City, NCR, Philippines



About
A student by day, and a writer/musicain by night! I am specifically a songwriter but I also write poems and sonnets on my extra free time. more..

Writing