Advertise Here
Want to advertise here? Get started for as little as $5
Bakit Hindi Ko Sinabi???

Bakit Hindi Ko Sinabi???

A Poem by GlenTopacio
"

Feel free to read it :D

"

Oo alam ko kahit anong gawin ko

Iba na ang ikot ng mundo

Kahit sabihin ko ang totoo

O mag baliw baliwan ako

Wala magbabago sa buhay ko

 

Kaya tinanong ko ang aking sarili

Pangarap nalang ba ang nakaraan

O maari pa itong balikan

Maari pa bang balikan ang mga bagay na naiwan

 

Ito ba ang tinatawag nila na pagsisi

Yung tipong may bagay ka na dapat ginawa mo pero nag tangatangahan ka

Akala mo nasayo ang lahat ng pagkakataon

Yung sasabihin mo nalang “Hindi bale na may bukas pa”

 

Pero huli na ang lahat ng malaman mo

Wala kanang pagkakataon na sabihin ang nararamdaman mo

Hindi ba napakasakit na isipin na lumagpas na ang isang pagkakataon

Na minsan lang mangyayari sayo

Yung parang mas gusto mo pa malaman na nagkamali ka

Kesa sa nalaman mo na pinalagpas mo ang isang bagay na makakapag bago sa buhay mo

 

Kelan pa natin malalaman na wala na

Itataas mo ang iyong mga kamay at aabot ka pero wala na

Titingin sa malayo at magmamasid pero wala na

Magtatanong ka kung nasaan na pero wala na.

© 2016 GlenTopacio


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

109 Views
Added on January 1, 2016
Last Updated on January 1, 2016
Tags: tagalog, filipino, love

Author

GlenTopacio
GlenTopacio

San Juan City, Catholic, Philippines



About
Hello just your ordinary amateur poem writer more..