Tatlong TaonA Poem by Gerica de la CruzA poem for HIMTatlong taon na!
Parang kailan lang nang unang magsabihan ng salita ng pagmamahalan" mga matatamis na sambitan.
Para kailan lang nang una mong hawakan hilahin at halikan kamay kong may kaliitan.
Parang kailan lang nang unang magyakapan, nang pisngi ko'y tinangan at labi ko'y hinagkan.
Parang kailan lang nang unang magsagutan, magtampuhan at maglambingan hanggang magkapatawaran.
Tatlong taon na ng kulitan at tampuhan, ng asaran at tarayan, ng alitan at lambingan.
Tatlong taon na pero magbibilang pa hanggang sa malagutan na ako ng hininga. © 2014 Gerica de la CruzAuthor's Note
|
StatsAuthorGerica de la CruzBacoor, CALABARZON, PhilippinesAboutYears from now I'll be an English teacher and I'm endeavoring to be a writer too. I love Les Miserables, Jane Austen, Lang Leav, Pandas, Disney and other cute stuffs. more..Writing
|