Sariling Mundo

Sariling Mundo

A Poem by Gerica de la Cruz

Ako daw ay weirdo

dahil may sariling mundo

at ito nga ay totoo�"

sa loob ng mga libro

mga salita ang buhay ko

ang kanilang mga kwento

ang aking santuwaryo.

Kasama ko ang yumao�"

sina Austen at Hugo,

wika nila ang aking multo

hawak nila ang aking puso.

 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

 

Mas gusto ko dito

kaysa sa realidad ng mundo,

kaysa sa bagay na komplikado,

kaysa sa mga taong problemado.

Mas gusto ko dito

kung saan lahat ng gulo

ay naayos at nababago.

Mas gusto ko idto

sa sarili kong mundo

sa loob ng mga libro.

© 2014 Gerica de la Cruz


Author's Note

Gerica de la Cruz
What do you think of my poem?

My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

119 Views
Added on October 2, 2014
Last Updated on October 2, 2014
Tags: book, other world, sanctuary

Author

Gerica de la Cruz
Gerica de la Cruz

Bacoor, CALABARZON, Philippines



About
Years from now I'll be an English teacher and I'm endeavoring to be a writer too. I love Les Miserables, Jane Austen, Lang Leav, Pandas, Disney and other cute stuffs. more..

Writing