BagyoA Poem by Gerica de la CruzA love poemNoon, ang daan, tinatahak ko nang mag-isa, sa paglalakad ko ay may pangamba lalo na kapang ang bagyo sa nagbabadya kahit payong ko pa ay aking dala
Pagkat ako'y may takot sa mga kidlat at sa kulog namumutla na ang aking balat Ang pagtakip sa tainga'y hindi sapat kahit pa ang palad ko ang ilapat
Ngayon sa payong ko'y sumingit ka na at ang balikat ko ay nababasa na ang pangamba ko ay naglalaho na sapagkat sa piling ko'y andyan ka na
Sa iyong pagdating na tila biglaan nagkaroon ako ng brasong makakapitan kahit alam kong ito ay kapayatan sigurado ako sa aking kaligtasan
Ang pagmamahal mo sa akin ay sapat hindi ko na kailangan pang isukat kahit sumidhi pa ang hanging-habagat panatag akong payong nati'y 'di aangat
Pagkat sa ilalim nitong payong may magkasintahang bumubulong-bulong: "kailanma'y 'di uurong at lagi tayong susulong kasama ng pag-iibigan nating yumayabong."
Dahil pagkatapos ng tag-ulan mamumulaklak na ang mga halaman © 2014 Gerica de la Cruz |
StatsAuthorGerica de la CruzBacoor, CALABARZON, PhilippinesAboutYears from now I'll be an English teacher and I'm endeavoring to be a writer too. I love Les Miserables, Jane Austen, Lang Leav, Pandas, Disney and other cute stuffs. more..Writing
|