Mga "Paano Kung" ng Pag-ibigA Poem by Gerica de la CruzA poem of question of how much you love someone.Paano kung ako'y wala nang malay at tumutulo na aking laway paghanga mo ba'y magkakalatay o pag-ibig mo'y lalo pang iaalay
Paano kung ako'y bagong gising at hininga ko ay nakakailing haharap ka ba sa dingding o pupunuin ako ng palalambing?
Paano kung ako'y sobrang nagpaaraw at kutis ay nagkulay kalabaw hahanap ka ba ng kulay hilaw o sa akin ka pa rin araw-araw?
Paano kung pagkain ko'y lumakas at butones ng blusa ko'y bumubukas sa buhay ko ba'y ikaw ay tatakas o tutulungan mo akong magbawas?
Paano kung boses ko'y pumangit at hindi ko na magawang umawit hahanap ka na ba ng kapalit o pakikinggan akong pilit?
Paano kung balat na ay kulubot at puting buhok sa ulo'y bumalot pagmamahal mo ba'y ipagdadamot o sa akin pa rin ay maghaharot?
Paano kung mauna akong langit ay abutin at ikaw, aking mahal, ay akin nang lisanin ako ba'y magagawa mo nang limutin o patuloy mo pa akong mamahalin? © 2014 Gerica de la CruzAuthor's Note
|
Stats
113 Views
Added on September 8, 2014 Last Updated on September 19, 2014 Tags: Love, Old, Growing old, forever, death, unconditional AuthorGerica de la CruzBacoor, CALABARZON, PhilippinesAboutYears from now I'll be an English teacher and I'm endeavoring to be a writer too. I love Les Miserables, Jane Austen, Lang Leav, Pandas, Disney and other cute stuffs. more..Writing
|