O! Baclaran

O! Baclaran

A Poem by Gerica de la Cruz
"

A poem about the place in the Philippines called Baclaran

"

Tuwing umuulan

at ako ay dadaan

sa Baclaran

paa ay nahihirapan

dahil sa karumihan.

Nasabing kapaligiran

ay tila basurahan.

Dito ang kadugytutan

'di lang mapagmamasdan

iyo pang mararamdaman

dura't ihi ng tao't kahayupan

ang putikan ay hinaluhan

at sa paa'y nagsisiksikan.

Doon sa Baclaran

paa ay pinaparusahan,

ilong, siya'y dinamayan

nilanghap ang kapanghihan.

Pati sikmura ay sinasaktan,

ang daan gusto nang sukahan.

Nang hindi na makayanan,

paghinga ay pinigilan.

Alam kong ito'y kaartihan

lahat naman'y taglay yan.

Sensitibo ang katawan,

hindi makayanan

ang lugar na Baclaran

isang basurahan

ng Kamaynilaan.

© 2014 Gerica de la Cruz


Author's Note

Gerica de la Cruz
What do you think about my poem?

My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

109 Views
Added on September 7, 2014
Last Updated on September 7, 2014
Tags: Baclaran, poverty, dirty, flood, Philippines

Author

Gerica de la Cruz
Gerica de la Cruz

Bacoor, CALABARZON, Philippines



About
Years from now I'll be an English teacher and I'm endeavoring to be a writer too. I love Les Miserables, Jane Austen, Lang Leav, Pandas, Disney and other cute stuffs. more..

Writing