Huwag Husgahan, Huwag din Kagalitan

Huwag Husgahan, Huwag din Kagalitan

A Poem by Gerica de la Cruz
"

a poem for the student's activists of PUP

"

Wika ng iskolar na karamihan

sa PUP daw ay kahihiyan

ang mga estudyanteng lumalaban

para sa pantay na karapatan.

 

Bakit kaya mga mata'y mainit

sa mga aktibistang galit?

Bakit nila minamaliit

tagapagtanggol ng magulang na gipit?

 

Dahil ba sa marahas

nilang paraan ng pag-aaklas?

O dahil kanilang bulalas

ay nakakabingi't malakas?

 

Panghuhusga'y huwag ipilit,

wala kang karapatang sumambit.

Pagkat sila'y hindi sakit

ng lipunan upang ipiit.

 

Dose pesos na edukasyon

sa anak-dalita'y solusyon.

Pagpapanatili nito ang misyon

ng mga aktibistang umaaksyon.

 

Tama bang panglalait

ang sa kanila'y ipalit?

Bakit hindi pag-isipang ulit?

Utang na loob sa'yo sanay kumalabit.

 

Kung presyo ng lahat ay umarangkada

at matataas ang matrikula.

Makakapag-aral ka pa kaya

kung wala ang mga aktibista?

© 2014 Gerica de la Cruz


Author's Note

Gerica de la Cruz
What do you think of my poem?

My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

132 Views
Added on August 18, 2014
Last Updated on August 18, 2014
Tags: activist, PUP, revolution, violence, human rights

Author

Gerica de la Cruz
Gerica de la Cruz

Bacoor, CALABARZON, Philippines



About
Years from now I'll be an English teacher and I'm endeavoring to be a writer too. I love Les Miserables, Jane Austen, Lang Leav, Pandas, Disney and other cute stuffs. more..

Writing