Kabanata 4: H/Larry

Kabanata 4: H/Larry

A Chapter by jepoycru

“John?! Nasaan ka na ba? Kanina pako nandito sa school?!” Sigaw ni Larry sa telepono habang kausap si John.

“Sorry Larry, traffic kasi eh. Mga sampung minuto pa siguro bago ako makarating diyan. Sorry.” Paliwanag ni John dito.

Si Larry ay “ge” na lamang ang naisagot dahil kanina pa ito naghihintay sa parking lot ng IBSHS. Dala nito ang kaniyang bisekleta na regalo pa ng kaniyang pumanaw na ama kaya naman napakahalaga nito sa kaniya. Kinuha niya ang lock sa kaniyang bag upang ilock ang kaniyang bisekleta dahil ito ay pupunta muna sa labas ng paaralan upang bumili ng makakain.

Ang kaniyang pag-alis ay ang siya namang pagdating ng tatlong batang hamog na bumakod sa paaralan upang magnakaw ng mga gamit. Una nilang nakita ang mga pinagputulang bakal malapit sa parking lot ng IBSHS.

Agad nila itong nilagay sa kanilang sako. Naghanap-hanap pa ang mga batang hamog at napagdiskitahan nila ang napakagandang bisekleta ni Larry.

“Uy, Lloyd, halika ka tara dito, tignan mo ayun!” Sigaw ng isang batang hamog sa isa pang batang hamog. Tinuturo nito ang bisekleta ni Larry.

“Ang maganda, tara, atin na yan!” Sigaw ng batang hamog na tinawatag ng naunang batang hamog. Sinubukan nilang sirain ang lock ngunit napakatibay nito.

“Ayaw, maalis naman.”

“Oo, baka, di na sa atin makuha to.” Sabi ng mga magnanakaw na batang hamog na medyo may pagkabulol magsalita.

Walang nagawa ang dalawang batang hamog, hindi sia nagtagumpay makuha ang napakagandang biisekleta ni Larry. Bigla namang dumating ang ikatlong batang hamog.

“Hindi niyo nakuha? Butasin na lang natin yung gulong.” Sabi ng batang hamog na maayos magsalita. Agad na kumuha ng matalim na bagay ang batang hamog na nagngagnalang Lloyd at agad na binutas ang gulong nito.

Hindi pa nakuntento ang mga batang hamog at nilagyan pa ng gasgas ang bisekleta. Iniwan nila ang matalim na bagay sa harapan ng bisekleta ni Larry at agad na sumibat.

Ilang minuto ang lumipas at biglang dumating si Harry Lisan sa parking lot ng IBSHS upang kunin din ang kaniyang bisekleta. Bigla naman niyang natapakan ang matalim na bagay na nasa harap ng bisekleta ni Larry. Muntik nang masugatan si Harry dito kaya naman kinuha niya ito at tinapon sa isang tabi.

Bago pa man maitapon ni Harry ang patalim ay nakarating na sa parking lot si Larry. Habang si Larry ay papalapit upang tignan ang kaniyang bike, si Harry naman ay nakangiti at binubuksan na ang lock ng kaniyang bisekleta upang makaalis na. Si Larry naman ay nagulat dahil nakita niyang butas ang gulong ng kaniyang bisekleta at may gasgas pa ito. Nagtamang hinala at namaling akala si Larry sa pangyayari kaya naman bigla niyang sinigawan si Harry.

“Hoy gunggong!” Sigaw ni Larry.

Lumingon-lingon pa si Harry upang tignan kung sino ang sinisigawan nito.

Nang nakita niya na walang ibang tao sa parking lot ay nagtanong ito.

“Ako ba tinutukoy mo?” Nawala ang ngiti sa mukha nito, marahil ay siya ang nasabihan ng gunggong.

“Oo, ikaw. Anong ginawa mo sa bisekleta ko?!” Galit na tanong ni Larry.

“ANO?!” Inosenteng tanong ni Harry. Wala itong kaalam-alam sa binibintang ni Larry.

“Nagmamaangmangan ka pa. Palibhasa inggitero ka.” Naiinis at galit na sinabi ni Larry dito.

Walang magawa si Larry, ayaw rin nitong makipag-away dahil isa siyang SSG member.

Si Harry naman ay nanggagalaiti sag alit sa sinabi sa kanya ni Harry. At dahil sa mabilis uminit ang ulo ni Harry, agad niya itong binagsakan ng suntok sa mukha, si Larry naman ay walang nagawa sa mga oras na iyon.

Aalis na sana si Harry ng bigla nitong sinuntok ni Larry sa likuran, kaya naman lalong uminit ang away. Si Harry at Larry lang ang tao sa parking lot ng IBSHS ng mga oras na iyon kaya naman walang umaawat sa kanila. Puro sa mukha nila pinapatama ang kanilang mga suntok. Hanggang sa dumating si John at nanlaki ang mata sa kaniyang nakita. Nasa isang tabi na si Harry at pinagsusuntok nito ni Larry ng sunod-sunod. Inawat naman ito ni John. Sa una ay nahirapan itong awatin si Larry.

Ngunit tumigil ito ng sinabi ni John na “Advanced ako mag-isip.”. Nang tumigil ang away ng dalawa. Tinulungan ni John na makatayo ang nabugbog na si Harry.

Dumudugo ang kilay at ang labi nito. Makikita rin na nadumihan ang puting damit nito dahil sa pagsipa na ginawa ni Harry.

“WOW! Bat mo tinutulungan yan? Binutas ng gunggong na yan yung gulong ng bisekleta ko.” Galit na sinabi ni Larry.

“Anong pinagsasasabi mo? Yung mga batang hamog yung nambutas ng bike mo! Narinig ko yung usapan nila nung nakasalubong ko sila!” Naiinis na sinabi ni John dito. Walang ibang nasabi si Larry dahil alam niyang hindi niya makokontra lahat ng sinasabi ni John. Puro katotohanan lamang ang lumalabas na salita sa bibig nito. Ngunit ano nga ba ang silbi ng pagsasabi ng totoo? Kung masasaktan o hindi tatanggapin ng nakarinig ang katotohanan sa mundong ibawaw.

Biglang umalis si Larry at iniwan niya ang kaniyang bisekleta sa loob ng IBSHS. Si John naman ay hindi na pinansin ang pag-alis nito.

Kumuha si John ng pampunas para sa dugo sa mukha ni Harry. Nang ibibigay na ito ni John, kinuha na lang ito ni Harry at sinabing “Kaya ko sarili ko.”.

Walang nagawa si John kundi hayaang umalis si Harry. Matapos ang away na naganap ay umuwi na rin si John sa kanilang tahanan.


© 2020 jepoycru


My Review

Would you like to review this Chapter?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

41 Views
Added on March 11, 2020
Last Updated on March 11, 2020
Tags: Ang Monaynay, Black Bible, Jepoy Cruz, PlayTernity, Monaynay, Floorwax


Author

jepoycru
jepoycru

Quezon City, National Capital Region, Philippines



About
I love writing mysterious story. more..

Writing
Ang Monaynay Ang Monaynay

A Chapter by jepoycru