Kabanata 2: Si John Paul DizonA Chapter by jepoycru
Kabanata 2: Si John Paul Dizon
Kakauwi lang ni John galing sa probinsya ngunit hindi pa dito natatapos ang kaniyang bakasyon. Madami pang kaibigan na kailangang puntahan si John bago magsimula ang enrollment sa kanilang paaralan. Si John ay papunta na sa ika-10 na baitang ngayong taon, bagong pagsubok na naman ang kaniyang haharapin. Umaasa ito simula pa noong unang araw ng bakasyon na magkakaroon ito ng mga madaming kaibigan na papahalagahan siya. Pero bakit nga ba papahalagahan ang isang taong walang halaga? Unang pinuntahan ni Jepoy ang kaniyang kaibigan na si Harry Lisan. Ito ay kaniyang naging kaibigan noong siya ay nasa ika-9 na baitang pa lamang siya. Hindi ito kamag-aral ni John noong nasa ika-9 na baitang pa lamang siya ngunit ito ay kaniyang nakilala noong kaarawan ni Nathan Reyes na kasalukuyan niyang kaklase noong panahon na iyon at nilibre sila ni nito sa time café sa loob ng HypeMarket. Pareho ng interes ang dalawa kaya naman mabilis itong nagkaugnayan. “Oh Nathan, kamusta.” Sabi ni John na may kasamang hampas sa balikat. “Eto, okay lang. Ikaw ba? Mukhang tumataba ka na ha?” Natatawang tanong ni Nathan dito. “Ayos lang naman ako, hiyang ako e.” Sabi ni John sabaya twa ng malakas. “Saan nga pala si Harry?” Tanong ni Jepoy dito. “Ah wala eh nasa probinsya pa rin.” Sagot ni Nathan dito. “Tara Dizon, pasok ka sa bahay.” Paanyaya ni Nathan dito. May sariling kwarto si Nathan kaya naman naiimbitahan niya ang kaniayng mga kaibigan sa kanilang bahay ng hindi naiistorbo anng kaniyang mga magulang. Nang nasa loob na ng kwarto ang dalawa, agad na binuksan ni Nathan ang aircon ng kaniyang kwarto at nilabas ang kaniyang laptop. “Movie marathon tayo, hintayin mo lang ako at kukuha ako ng makakain.” Sabi ni Nathan dito. Tumango na lang si John dito bilang tugon. Habang naghihintay ay napansin ni John na parang may kumakaluskos sa loob ng aparador ni Nathan. Tumayo si John para tignan kung ano ito. Matikas ang paglalakad ni John papunta sa aparador upang tignan kung ano ang dahilann ng kaluskos na kaniyang narinig. Nang makalapit na ang binata dito ay siyang pagtigil naman ng kaluskos. Napalunok na lamang ng laway si John. Akma na niyang bubuksan ang aparador ng biglang… “BULAGA!!!!!!!” Napasigaw si John ng napakalas at ito ay napatalon ba dahil sa pagkagulat. Nang tinignan niya kung sino ang nanggulat ay laki rin niyang kinagulat, sa sobrang pagkagulat ay halos ito ay nagulat muli. Tuwa at galit ang naramadaman ni John nang makita niya na si Harry ang gumulat sa kaniya na kasalukuyang tumatawa. “Haha, okay ka lang? Hahahahahah.” Tanong ni Harry habang tumatawa. Makikita sa mukha ni John ang inis. Tumigil naman si Harry sa pagtawa ng makita niya ito at yinakap ang nagulat na kaibigan dahil sa kaniyang panggugulat. Nagsimula nang manood ng pelikula ang tatlo hanggang sa hindi namalayan ni John na 10pm na pala ng gabi. Kailngan na nitong umuwi. “Nathan hatid mo na ako sa amin.” Pakiusap ni John dito. “Wag na, dito ka na matulog. Magsleepover ka na dito, kasama naman si Boss Harry e.” Sabi nito. Nagpumilit si John na umuwi, ngunit matigas si Harry kaya naman napilitan itong manatili sa bahay nila Nathan. * Kinaumagahan, agad na nagpaalam si John kina Harry at Nathan dahil ito ay uuwi na. Nang makauwi ito ay agad siyang nakita ng kaniyang nanay. "Hoy John saan ka galing at ngayon ka lang ha? Teka ano yan, bat iba na damit mo ha? Baka kung sa-" "Stoppit ma.Nakitulog ako sa kaibigan ko kagabi. Wala nakong masakyan eh." Palusot ni John sa kanyang ina. "Osige, kumain kana." Tugon ng kaniyang ina. Mahirap lang ang pamilya ni John. Pero maalalahanin ang ina ni John. Ngunit kahit anong mangyari mahirap parin sila. Nang makakain si John, naramdaman nya na may masakit sa bandang pwetan nya. Nagulat ito nang naalala nya ang mga pangyayari kagabi. Nadulas pala sya sa bahay nila Nathan nung kumukuha ng tubig. Napagpasyahan nya na pumunta sa kaniyang kaibigan na si Larry. May ibinilin pala sa kaniya ito noong nakaraang linggo bago siya umuwi galling probinsya. Kaya't naligo na si John at nagbihis sya ng paborito nyang T-shirt at shorts. Habang nasa jeep. Narinig na tumugtog ang paborito nyang kanta. Ang Huling el bimbo. Nadala sya sa kanta. Hindi nya na namalayan na may nag-aabot na pala ng bayad sa kaniya. Galit na ang lalaki dahil nangangawit na ito. Kinuha nalang nya ito ay inabot sa driver."Ay manong para lagpas na po ako." Sa pagmamadali, na iwan niya ang kaniyang wallet ng hindi niya namamalayan. Nakalagay dito ang ePoints na regalo niya kay Larry at ang P2000 na ipon nya. © 2020 jepoycru |
Stats
42 Views
Added on March 11, 2020 Last Updated on March 11, 2020 AuthorjepoycruQuezon City, National Capital Region, PhilippinesAboutI love writing mysterious story. more..Writing
|