Kabanata 1: Ang Simula

Kabanata 1: Ang Simula

A Chapter by jepoycru

Ikalawang linggo ng Mayo at uuwi na muli si John sa kanilang tahanan sa siyudad. Madaling araw pa lang ay hinatid na ito ng kaniyang pinsan sa terminal ng bus.

Si John ay naka jacket na para bang siya ay nilalamig at pupunta sa lugar na may malamig na klima. Nang makapasok na sa loob ng bus si John ay agad itong humanap ng bakanteng upuan at hindi siya nabigo sa paghahanap.

Nakakita agad siya ng upuan na pangdalawahan at ang maganda pa ay wala pang nakaupo dito kaya namann makakpuwesto siya sa tabi ng bintana. Gustong-gusto nito na nakapuwesto sa tabi ng bintana lalo na kapag ordinaryong bus lang ang sinasakyan niya.

Umupo na agad si John dito at inayos ang kaniyang gamit. Nakita naman niya ang kaniyang pinsan na naninigarilyo habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep upang makauwi na.

Lumipas ang tatlongpung minuto at wala pa ring katabi si John na tila ba siyang iniiwasan ng mga tao. Puno na ang bus at isang upuan na lang ang natitira at ito ay ang upuan sa tabi ni John.

Nakita ng binata na may isang babae na may kagandahan at kabataan. Nakita ni John na papunta ito sa kaniyang tabi kaya naman bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso.

At katulad ng inaasahan ni John, hindi ito tumabi sa kaniya at nanatili na lamang na nakatayo ang babae. Siguro ito ay dahil sa jacket na suot ni John. Siya lang ang katangi-tanging nakasuot ng jacket kaya naman siguro hindi siya tinatabihan ng mga tao.

Nakatulog si John sa biyahe kaya naman ito ay nakapagpahinga pa ngunit sa sobrang himbing ng tulog nito ay lumagpas na siya sa kaniyang dapat babaan.

“Manong nasaan na po tayo?” Tanong ni John sa konduktor ng bus.

“Ah iho nandiyan ka pa pala, mahimbing kasi ang tulog mo kaya hindi ka na namin ginising. Lagpas ka na sa bababaan mo, ang layo ng nilagpas mo. Pagpasensyahan mo na, sa susunod na bus stop ka na lang bumaba.” Paliwanang ng konduktor dito.

Walang nagawa ang binata kung di maghintay na makarating sa susunod na bus stop at maging alerto upang hindi na muli siyanng lumagpas sa kaniyang bababaan.

Lumipas ang ilang minuto at matagumpay na nakarating si John sa kaiyang patutunguhan. Tangahali na ng makauwi ito.

“Ma, nandito na ako.” Bati ni John sa kaniyang ina. Napatingin lang ang mga magulang nito pati ang dalawang kapatid nito na kasalukuyang kumakain ng turon.

“Saan ka galing at halos isang buwan ka naming hindi nakita?” Tanong ng nanay ni John.

“Eh? Diba nagbakasyon ako? Natural isang buwan akong mawawala.” Sagot ni John.

“OK” ang tanging nasabi ng nanay ni John. Inayos ni John ang kaniyang gamit at ito ay humilata sa kaniyang kama na halos isang buwan niyang hindi nakasama. Ito ay nagpahinga at muling nakatulog ng mahimbing.


© 2020 jepoycru


My Review

Would you like to review this Chapter?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

50 Views
Added on March 11, 2020
Last Updated on March 11, 2020
Tags: Ang Monaynay, Black Bible, Jepoy Cruz, PlayTernity, Monaynay


Author

jepoycru
jepoycru

Quezon City, National Capital Region, Philippines



About
I love writing mysterious story. more..

Writing
Ang Monaynay Ang Monaynay

A Chapter by jepoycru