PagtutunggaliA Poem by emmanSa pananaw na lohikal ay di maitatanggi, Na ang isip ay siyang tanging nagwawagi. Habang ang puso’y pilit di mawari, Naghahanda sa pagtutunggali.
Pilit na tinitiis ang lalim ng pagpintig, Nang pusong umuusbong sa madilim na daigdig. Ngunit ang isip ay nagliligalig, Sa yakap nang pag iyak ay ngiti ang ididilig.
Madamdaming haplos nang bawat tamis, Dulot ay luha sa pagbabagong kay bilis. Ngayon ang isip ay di makapagtiis, Itakwil sa pagtibok ang bawat hinagpis.
Kaganapan man ay walang katiyakan, Subalit ang mundo’y pinag aagawan. Sa bawat buhay na pinipintahan, Ang isip at puso’y tanging magkalaban.
© 2012 emmanReviews
|
Stats
342 Views
1 Review Shelved in 1 Library
Added on October 4, 2012Last Updated on October 4, 2012 AuthoremmanButuan, CARAGA, PhilippinesAboutI'm a friend :) http://www.youtube.com/watch?v=qnyF1dRZcqk more..Writing
|