Bigkas Nang Kamay

Bigkas Nang Kamay

A Poem by emman

Sa bawat pagdaloy ng  titik at salita,

Nang isang daigdig na hindi kayang masadya.

Binubuo nito ang mahusay na pagkatha,

Nang bawat isipang gumugunita.

 

Sa pagkakataong walang tunog ang pagbikas,

At hindi magawa ang tinatanging tikas.

Sa bawat luhang pilit na inililigtas,

Sa madamdaming pagsulat ito’y nailalabas.

 

Ang bawat bahagharing naipapakita,

Maihahalintulad sa madaling pagbasa.

Na kahit madilim ang paningin nang mga mata,

Ay naibabahagi sa agos nang tinta.

 

Pag-aari nito ay hindi mawawalay,

Sa pagpasok nang mundong itinataglay.

Sa dugo,pawis, at talinong inialay,

Totoo ang buhay sa bigkas nang kamay.

 

 

© 2012 emman


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

206 Views
Added on October 4, 2012
Last Updated on October 4, 2012

Author

emman
emman

Butuan, CARAGA, Philippines



About
I'm a friend :) http://www.youtube.com/watch?v=qnyF1dRZcqk more..

Writing
Glance Glance

A Poem by emman


Sway Sway

A Poem by emman


Inseparable Inseparable

A Poem by emman