PapelA Poem by emmanPilit inililigaw ang paningin nang mga mata, Upang ang katotohanan ay lubos na matanaw. Sa bawat pag usbong ng makabagong paggunita, Nagsasalitang papel ang siyang lumilinaw.
Pinipigilan ang bawat bigkas nang bibig, Upang sa papel ay may maiguhit. Sa bawat luha at sayang idinidilig, Tunay na kahulugan ay siyang makakamit.
Hindi maihahambing ang sayaw nang kamay, At sigaw nang mga titik sa alon nang tinta. Ang madamdaming salitang tanging maiaalay, Ay siyang katotohanang pilit na ipinapakita.
Papel na simbolo nang malayang pagkatha, Nang bawat paglilinaw sa katotohanan. Papel na siyang bumubuhay sa bawat salita, Ay batas na di kayang mapunit nang ulan. © 2012 emmanAuthor's Note
|
Stats
247 Views
Added on October 3, 2012 Last Updated on October 3, 2012 AuthoremmanButuan, CARAGA, PhilippinesAboutI'm a friend :) http://www.youtube.com/watch?v=qnyF1dRZcqk more..Writing
|