Ang Pasko / Banal Na Pagsilang

Ang Pasko / Banal Na Pagsilang

A Poem by ESL

Ang daigdig sa ganitong araw,

Tuwa at saya sa bawat galaw,

Dahil ngayon isinilang,

Ang banal na Nilalang.

 

Taong may-loob sa Amang Diyos,

Nagpapasalamat ng lubos,

Sa pagbigay ng Biyaya,

Sangkatauhan ay lumaya.

 

Nagdaraos ang simbang gabi,

Misang alay kay Hesus palagi,

Dito maalala kahit sandali,

Ang makasaysayang pangyayari.

 

Pagkatapos ng misa’y agahan,

Sama-sama sa hapag kainan,

Bibingka’t puto-bungbong una sa lahat,

Kasama ang mainit na salabat.

 

Pagdating ng araw ng Pasko,

Tila’y sagana sa regalo,

Pamilya’t kaibigan nagsalo-salo,

Sa noche buenang walang katalo-talo.

 

Bata o matanda’y maligayang tunay,

Mayaman o mahirap galak ang taglay,

Lahat taos pusong nagdiriwang,

Sa araw ng banal na pagsilang.

© 2019 ESL


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

145 Views
Added on November 22, 2015
Last Updated on October 19, 2019
Tags: pasko, banal, pagsilang, christmas, philippines, pilipinas, filipino, tagalog

Author

ESL
ESL

Writing
Magic! Magic!

A Poem by ESL


Kaibigang Tunay Kaibigang Tunay

A Poem by ESL