Pagtingin ko sa Kanya

Pagtingin ko sa Kanya

A Poem by Yassi Asher
"

Point of you ng lalaki para sa kanyang pagtingin sa isang kaibigan na mauuwi rin sa pag-ibig na hindi niya aakalain na kanyang mararamdaman.

"

"Pagtingin ko sa Kanya”

(P.O.V ng Lalaki)

Tula ni Elai Arong



Kaibigan ang turingan naming dalawa,

Ang alam ko hanggang dito lang talaga,

Mula kasi ng makilala ko siya ay nararamdaman kong sa pagkakaibigan lang kami mauuwi,

Iyan ang aking nakikinita

Ngunit bakit sa tuwing nakikita kung may kasama siyang iba, nasasaktan ako sinta

Bakit nanaisin kong ako sana ang kasama niya?

Bakit ako naiinis kapag may ibang nagpapangiti sa kanya?

Naiinis ako kasi nais kong ako ang dahilan ng pagngiti niya?

Tama ba?


Hindi ko alam kung paano nag-umpisa,

Nang biglang nag-iba na ang pagtingin ko sa kanya

Yung napapangiti niya ako sa simpleng pagtawa niya

Natutulala ako kapag nagtatama ang aming mga mata,

Kay pungay ng kislap ng kanyang mga mata

Napapanganga ako kapag nasisilayan ko ang mga ngiti niya

Namamangha ako sa taglay niyang ganda

Simple, ngunit ewan ko ba, may iba sa ganda niya na hahanap-hanapin kong talaga

Gusto ko na laging kasama siya

Sa tingin ko, gusto ko na yata siya,

Ngunit bakit may nagbabadyang pangamba?


Ilang beses ko ng tinanong ang aking sarili tungkol sa damdamin ko para sa kanya.

Minsan pa ay humihingi ako ng signs kay tadhana kung ano ba itong talaga?

May ilang mga sagot na tumatama at umaayon sa aking paniniwala.

Ngunit bakit may pagdadalawang isip pa rin ako sa damdamin at hindi ko mahinuha?


Naalala ko pa ang araw nung naisayaw ko siya,

Sa gitna ng bulwagan na pinangarap kong hindi na sana matapos pa.

Dinig ko ang tibok ng puso ko habang magkahawak kamay kaming dalawa.

Naiilang man ay labis ang kagustuhan kong ituon ang aking mga mata sa diwata na aking kasama.

Hindi ko na mapigilan pa, alam kong hindi lang simpleng pagkakaibigan ang nararamdaman ko sa kanya.

Ngunit tila hindi ko maiwasang mapaisip sa mga kinatatakutan ko at pangamba

Mapapailing nalang ulit ako at sabay sabi sa sarili na baliw na nga akong talaga.




Nais ko na sanang sabihin na mahal ko na siya.

Ipagtatapat at iisipin ang nais na kahihitnan pagkatapos ng aking pag-amin sa nararamdaman ko para sa kanya.

Ngunit tila nag-atubili ang dila ko, uusog dili at titiklop nalang bigla

Para akong isang makahiya, 

Hindi ko mabitawan ang mga salita na nais kong sabihin sa kanya

Tila aatras sa tuwing magpapasyang puntahan ko ang gawi niya

May takot na baka hindi matugunan ang pagtingin na mayroon ako sa kanya

Nagtitiis nalang ako na makasama ko siya kahit magkaibigan lang ang mayroon kaming dalawa

Tinatanaw siya sa malayo kahit nakatingin siya sa iba

Pero bakit pakiramdam ko, kapag hindi ako nakatingin sa kanya,

nasa akin ang kanyang mga mata?

Ako’y namamalikmata lang ba?

O, nahihibang na?

Hindi ko maipinta kung siya ay may pagtingin din sa akin sinta.

Di bale nalang pala, baka ako’y mapahiya at malaman na may mahal na pala siyang iba.


Naalala ko pa nu’ng araw na nakipag-usap siya sa akin.

Hindi siya mapakali, tila may nais sabihin ngunit hindi maamin.

Napatawa pa ako bigla ng sabihin niyang siya’y umiibig sa isang binata ng palihim.

Naalala ko yung reaksyon niya ng tinawanan ko lang siya.

Hinampas ako sa balikat at siya’y nagmumukmok nalang bigla.

Bigla akong natauhan ng malaman kong mali ang aking ginawa.

Kinausap siyang bigla, naglambing at humingi ng kapatawaran sa aking nagawa.

Hindi niya ako natiis at ngumiti siya sa akin ng kay sigla.

Nauwi sa pagbibigay ng pasya at payo ang usapan naming dalawa.


Pagkatapos ng usapan ay naghiwalay na aming landas

Umuwi na kami sa aming kapwa tahanan at hindi na lumabas

Oras ng pagtulog noon nang magpasya akong mag-ahit ng aking balbas

Nagtaka ako at nagitla ,

dahil sa may mensahe akong natanggap sa cp ko at kay lalim na ng oras

Nang binuksan ko ito ay pangalan mo ang siyang lumabas,

Napangiti ako , pinili na basahin ang mensahe na galing sa’yo

Mabulaklakin na mensahe ang nabasa ko

Hindi ko alam kung saan mo napulot ito

O, sadyang may pinaghuhugutan ka lang sa kanto

Ngunit napamangha mo ako , makata at manunula pala ang kalahi niyo.



At ito ang laman ng mensahe na galing sa’yo;


Sa bawat kanta na aking isinulat sa aking tala-sulatan

Ako’y tila bumabalik at naglalakbay sa ating pinagsamahan

Kung saan kahit anong problema ang ating napagdaanan

Ang aking kamay ay hindi mo nagawang bitawan.


Habang tinatanaw ko ang ganda ng mga tanawin sa ating mundo

Wangis at ngiti mo ang sumasagi sa isipan ko

Hangad ko palagi na sa pagtulog mo

Mukha at pangalan ko ang nasa isip mo.”


- Para sa minamahal ko -


Matutulog na sana ako pero tila binabagabag ng isip ko ang nilalaman ng mensahe na galing sa’yo.

Hindi mapakali sa higaan ko at napasabi nalang ako,

labis na nga ba ang pag-ibig mo sa binatang napupusuan mo?

Nang mabitawan ko ang mga katagang ito

Nahihimigan kung may takot at pangamba sa itinuran ko .

Bakit nasasaktan ako?

Nasasaktan nga ba ako?

Nagseselos ba ako?

Bakit ako nagkakaganito?

Ang daming tanong na lumalabas sa isip ko.

Hanggang sa naiwang blangko nalang ang utak ko

At pinasyang piliting ipikit ang mga mata ko.


Nakatulugan ko nalang ang paksang ito.

Mahimbing ang pagtulog ko na tila ba aakalain mong walang bumabagabag kanina sa isipan ko.

Mag-aalas dos na nang may napanaginipan ako,

Bakit suot mo ang bestida noong naisayaw kita?

Ngumingiti ka, naglalakad at papalagpas na sa gawi ko sinta.

Sinundan ng tingin ko ang iyong postura

Napakamot sa ulo, nangungunot ang aking noo at nagtaka

Bakit wari pamilyar sa akin ang lugar na aking nakikita?

Isang pasilyo, daan papunta sa tao na naghihintay sa’yo

Bakit tila ikakasal ka sa eksenang ito?

At ako? Ba’t lang ako nakatingin sa’yo?

Ano ang ibig sabihin nito?


Naaalimpungatan ako, nagising at natutulala sa napanaginipan ko.

Nasasaktan ako , oo nasasaktan ako.

Hindi ko alam pero ayoko yata na ikasal ka sa ibang tao.

Hindi ko gusto ang napapanaginipan ko.

Hindi ko yata makakaya ang makita kang ibang lalaki ang kayakap-yakap mo,

ang magpapangiti sa’yo.

Hindi ko kakayanin ang malaman na sa iba ka nagkakagusto.

Nagmumukmok nalang ako sa sulok ng aking kwarto

Napaisip ako , paparating na ang pagbubukang liwayway ,

at tila wala ng balak na matulog muli ang mga mata ko.


Natauhan at nagising ang diwa ko.

Kailangan ko na sigurong tapangan

Aaminin sa’yo ang katotohanan

na ikaw ang nais kong maging kasintahan

na ang nararamdaman ko sa iyo ay higit pa sa kaibigan

At iniibig kita o, aking hirang.

Hindi ako noon naglakas loob na ikaw ay ligawan

Dahil ang akala ko ay mas mainam at karapat -dapat na ituring kang kaibigan

Malaya kitang mayayakap at mahahawakan

Alam kong walang hangganan ang ating pagsasamahan.

Hindi tayo magkakasakitan, pero ngayon wala na akong kasiguraduhan

Dahil kung hahayaan ko lang na mauuwi lang tayo sa pagkakaibigan

at hindi susubukang papangarapin na mauwi tayo sa isang espesyal na pagtitinginan

Baka mauwi lang lahat sa sayang,

sayang kasi hindi ko sinubukan,

sayang kasi baka sa piling ng iba ay masasaktan ka lang

Sayang kasi baka sa huli tayo pa rin pala,

at masasayang lang ang lahat dahil hindi ako tumaya .


Ang pag-ibig raw ay parang sugal

Hindi alam kung ano ang iyong kahahantungan,

Kung magiging panao o madidihado ka ba sa pustahan.

Pero kung isa itong sugal, ayokong basta nalang umuwi na talunan.

Hindi ako titigil hangga’t hindi ko makakamtan ang matamis na oo mo hirang ,

at ito’y aking pagtatrabahuan, pagpapawisan at pagsusumikapan

Dahil ikaw ang sugal na nais kong mapanalunan,

Ikaw ang minimithi kong hantungan


Kaya wala ng saka-saka

o di kaya’y sa bukas pa o makalawa

Nararapat na ngayon na,

Tanggalin na ang takot na nagbabadya

Tanggapin mo man ang damdamin na iaalay ko sa’yo sinta

Aaminin ko pa rin sa’yo ang aking nadarama

Pasensya, pasenysa na kung hindi ko na yata maipapangako na maging kaibigan lang kita.

Patawad kung habang buhay nanaisin ko na makasama ka.

Iibigin na kita

Pasensya kung hindi ko na matutupad ang pangako na walang talo-talo sa ating dalawa.

Hindi ko na muna iisipin kung anuman ang kahahantungan ng lahat

Pagkatapos ng pag-amin ko sa’yo at pagtatapat

Malamang ika’y magtataka, o di kaya’y magagalit sa akin ng sobra.

Pero sana mas magiging masaya ka, kasi , mahal mo din pala ako sinta


Tatapusin ko na ang tulang ito,

Magsisimulang magbilang ng hakbang papunta sa’yo.

Pag-eensayuhan ang mga katagang nais ipagtapat sa iyo.

Sana magawa ko ng sabihin sa harap mo

na mahal kita higit pa sa kung anong mayroon tayo,

at ako ay may pagtingin sa iyo,

Pagtingin na higit pa sa kaibigan na nais mo

at ang kagaya mo ay hindi dapat kinaibigan lang

Dahil ikaw, sa puso ko, ay iniibig ka ng higit pa sa kaibigan,

Ti amo , Saranghe , Je t’aime, Wo ai ni, Mahal kita, iniibig kita kaibigan ko.


© 2018 Yassi Asher


Author's Note

Yassi Asher
grammar

My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

137 Views
Added on March 9, 2018
Last Updated on March 9, 2018
Tags: friendship over love

Author

Yassi Asher
Yassi Asher

Lapu-Lapu City, Region 7, Philippines



About
I am Eliogen P. Arong .I am 24 years young. My boyfriend is a pen.I am engaged with music and married with poetry. I love writing but writing loves me more. more..

Writing