Mayroong Kayo, Habang Walang TayoA Poem by Yassi AsherAng Spoken word poetry na ito ay para sa mga tao na pinili ang sumugal at bumitaw sa relasyong wala namang kasiguraduhan. Masakit pero iyon ang dapat gawin , dahil iyon ang nararapat.“Mayroong Kayo, Habang Walang Tayo” Spoken Word Poetry ni Elai Arong
Kilala na
kita noon pa. Crush pa nga
kita ng una kitang makita. Minsan pa ay
hiniling ko na sana kahit sa ilang segundo ay makausap man lang kita. Pero sadyang
kay ilap ng tadhana, kasi kahit
anong gawin ko ay hindi mo man lang mapansin-pansin ito sinta. Nagtiya-t’yagang
pasulyap-sulyap nalang ako sa gawi mo. Ang
matitigan ka ay saya na ang dulot sa dibdib ko. Makita kang
nakangiti ay walang paglagyan ang tuwa sa puso ko. Ewan ko ba kung
anong meron sa mga ngiti mo, na sa tuwing
masisilayan ko ay ibang tama ang epekto sa akin nito. Malalagyag
na yata ang mata ko sa kakatitig ko sa’yo.
Magkokolehiyo
na nang muling tayong nagkatagpo. Nang ang
landas mo ay nagawi sa landas ko. Nawala ka
kasing bigla ng maghayskul ako. Ang
pag-aakalang isip batang pag-ibig na nilimot ko, ay biglang
bumalik at muling gumising sa diwa ko. Muling yumabong at hindi na maalis-alis sa sistema
ko. Hindi ko
alam pero iba ang dulot nang muling pagkikita nating ito. Nababalisa
ang isip ko at nanaisin nalang palagi ang presensiya mo.
Isang araw
naging mabait ang tadhana sa panig ko. Napabaling
bigla ang swerte sa gawi ko. Isang
insidente ang naging dahilan ng paglalapit ng landas mo sa landas ko. Nakawala ang
pana ni Kopido pumunta sa tabi mo, nagbukas ng pinto at ako’y napalapit sa’yo. Naging magkaibigan
tayo at muling nag-umpisang mahulog muli ang puso ko sa’yo. Sino ba
naman kasing dilag ang hindi iibig sa bawat ipinapakita mo? Kay lambing
mo at pinaramdam mo sa’kin kung paano ang maging espesyal na tao sa tabi mo. 'Yong tipong
pinapangiti mo ang araw ko kahit na may iniindang problema ako. 'Yong wala
lang sa’yo kahit nababawasan na ang oras mo habang kasama ako. 'Yong
nakokompleto mo ang araw ko kahit na magulo ang buhay ko. Oo, oo napapasaya
mo ako sa simpleng pagpapatawa mo. Kung papaano
mo nahuhuli ang kiliti ko sa mga simpleng hirit mo. Sa kung
papaano mo natitiis ang ugali ko kahit hindi naman kagusto-gusto. Yung handa
kang lisanin ang bahay niyo kapag may problema ako. Yung natitiis
mong pakinggan ang mga walang kwentang bagay patungkol sa buhay ko. Yung palagi
kang maaasahan sa mga oras na kailangan ko ng balikat na masasandalan. Yung
palaging bukas ang buhay mo kapag kinakailangan ko ng matatakbuhan. At higit sa
lahat yung bawat paghawak mo sa kamay ko na halos ayaw mo ng bumitaw kapag
kasama mo ako. Kay saya!
Kaya saya at walang paglagyan ang tuwa sa puso ko.
“Espesyal ako
sa’yo.”, yan ang sabi mo nang itanong ko minsan kung anong meron tayo. Nang magtaka
ako kung bakit ang lambing mo. Noong araw
na sinabi mo ang katagang iyon ay naging panatag ang loob ko. Naging
panatag ang loob ko kahit ang espesyal na sinabi mo ay hindi ko mawari kong
talagang totoo. Nagkaroon ng
patutunguhan ang dating malabo na estado ng pagtitinginang mayroon tayo. Hindi mo man
tuwirang sinambit ang salitang gusto mo ako, o di kaya’y
mahal mo ako ay umasa ako, Umasa ako kasi
ang sabi mo ay espesyal ako sa’yo. Umasa akong
mayroong tayo, sa pag-aakala ko.
Ang araw ay
naging Linggo. Ang Linggo
ay naging buwan. Hindi ko
alam kung ilang buwan nagtagal ang ganoon nating pagtitinginan. Hindi ko na
binilang kung gaano katagal, kasi ang bawat araw na kasama kita ay taon taon na
sa akin ang bilang.
Tumagal tayo
sa ganoong kalagayan, espesyal ka sa’kin at ganun din ako sa’yo hirang. Walang
nag-abala sa atin na linawin ang lahat lahat ng sa’tin ay pinagsamahan. Wala, ayoko
ko ring manggaling sa akin mismo ang mga katagang iyan. Ang mahalaga
kahit malabo para sa iba, sa akin ay malinaw kasi ang sabi mo, espesyal ako, di
ba?
Isang araw
ay nagising ako, nagising na hindi ko na nakikita ang pagkislap sa mga mata. Ikaw na
kahit alam kong mayroon ng nanlalabo ay nagpapakapipi’t bulag ako. Ikaw na
matamlay habang kasama ako. Natatakot
ma’y, umaasa pa rin ako. Kahit anong
iwas at pagbaling ang gawin ko ay maya-maya’t matutulala nalang ako. Biglang
niyayari ang kinatatakutan pala-palagay, magtatakang
bigla dahil malimit nalang ang mga araw ng ating pagkikita. Ngunit pinilit
kong huwag mangamba, Pinilit kong
huwag mangamba! Pinilit ko
kasi ang sabi mo naging abala ka lang sa mahalagang bagay sinta. Inintindi
kita kahit ang alam ko’y kay linaw-linaw na. Inuunawa
kita kahit na alam kong wala naman talagang tayo sinta. Kasi akala
ko,ang akala ko ay may pagkakaintindihan na sa ating dalawa. Isinawalang
halaga ang sabi-sabi ng iba dahil may tiwala ako sa’yo sinta. Pinalagpas
ang pananabik na makita ka, Nagtitiis sapag-aakalang para sa ikabubuti mo
lang talaga.
Isang araw,
ako’y nagawi sa bahay na iyong tinitirhan. Pumasok
akong bigla kagaya ng aking nakagawian. Sabay pumunta
sa kwarto mo at kumatok sa nakabukas na pintuan. Pinihit ang
pinto dahil hindi ka man lang nag-abala na ako’y pagbuksan. Natulog ka
pala habang may ginagawa sa mesang iyong kinasasandalan. Kahit na
nais ng mga mata ko ang ika’y titigan, ay inagaw ng pansin ko ang isang kahon na nasa
iyong kandungan. Kahon ng
Pagmamahal ang nakasulat sa bahaging harapan. Alam kong
mali! Alam kong
mali ang makialam, Alam kong
mali ang pakialaman ang mga bagay na pribado sa’yo, Pero nagawa
kong agawin ang kahon na ito mula sa mga kamay mo mismo. Sinumulang
buksan at basahin ang unang sulat sa harap mo. Sinumulang halungkatin
ang bawat liham na galing sa kanya, galing sa’yo. Ninanamnam
ang bawat pahayag na sinulat mo. Titig na
titig sa larawan na kalakip nito habang magkasama kayo. Hanggang sa
namasa nalang bigla ang mga mata ko. Tumulong
bigla ang walang tigil at pigil kong pagluha. Hindi
namalayan na ang hindi inaasahang pahayag ay tuluyang ko na palang nabitawan. Tumalikod
akong bigla at humikbi sa walang pagtahan. Nagising
kang bigla na hindi ko inaasahan. Nakita mo na
ang mga sulat na aking tangan-tangan. Nagtaka ka,
sabay hablot sa mga bagay na pag-aari mo hirang.
Tinanong
kita ng ilang beses patungkol sa aking nabasa’t natuklasan. Tinanong
kita kahit alam kong wala akong karapatan, Dahil wala
naman talaga akong karapatan! Tinanong
kita, ngunit ang simpleng sagot na nais kong marinig mula sa’yo ay hindi mo mabitawan. Imbes na
sagot ang itugon mo ay tumitig kang bigla sa kawalan Biglang
tumitig sa akin at humihingi ng kapatawaran. Sa mga oras
na iyon ay wala na akong maisip naidadahilan. Ngumiti
akong bigla habang hinablot ko ang iyong unan. Dagli-dagling
nagbabalat-kayo na parang walang pakialam. Pinunasang
bigla ang nagbabadyang mga luhang kanina pa hindi tumatahan. Inaaliw ang
sarili na kahit may sakit na dinaramdam. Hindi ko
mapanindigan, hinding-hindi ko mapanindigan kasi wala naman akong karapatan. Nag-iisip nalang
ako bigla at iniba ang usapan. Abala ka pala sa kanya na tinuturi mong
mahalagang bagay sa buhay mo. Oo nga pala,
sino ba naman ako para magselos at masaktan ng ganito? Isang hamak
na espesyal lang na tao ang sa’kin ay turing mo. Wala naman
akong panama sa taong gusto mo, Mali! sa tao
palang mahal mo, siya na mahal, habang espesyal lang ako sa’yo. Naisip ko,
ano nga ba ang kaibahan ng gusto sa salitang espesyal lang? Sino nga ba
ang mas mahalaga at mas matimbang? Hindi! hindi
ko na dapat itanong iyan, kasi alam kong masasaktan lang ako sa magiging
kalalabasan. Na ang
salitang mahalaga ay iba sa katagang mahal, Na kahit
saang anggulo man tingnan, mas
matimbang ang salitang mahal kaysa sa mahalaga lang, na ang
salitang espesyal sa’yo ay mahalaga lang. na ang
katagang siya ay ang nilalaman ng iyong puso’t isipan, na habang
inaalala kita ay siya ang inaalala mo hirang.
Masakit pero
yan ang totoo. Ang
katotohanang espesyal lang ako sa’yo ay mananatiling bahagi nalang ng pahina ng
buhay ko. Espesyal nga
ako at mahalaga sa buhay mo, Espesyal na
ayaw mong mawala sa’yo, sa piling mo, pero hindi mo
naman mabigyan ng rason para manatili sa tabi mo. Kasi ako na
taong higit sa espesyal ang turing sa’yo ay walang paglagyan diyan sa puso mo. Na ang ikaw
at ako ay malabo ng magkatotoo. Na ang
salitang tayo ay walang puwang sa mundo mo.
Tayo, apat
na letrang malabong magkatotoo, Kasi sa
mundo mo mayroong ikaw pero walang ako. Na ang
salitang tayo ay gawa-gawa lang ng isip ko. Na ang ang
katagang tayo ay mananatiling pangarap na kailanma’y hindi ko maaabot. At ang
dating ikaw na hahanap-hanapin palagi ng aking mga mata ko ay magiging bahagi
nalang ng nakaraan ko sinta. Ang ikaw na lagi
kong maaalala sa tuwing gigising ako sa umaga, Ikaw na nais
kong makasama,
Ikaw na
inaasam kong aking hangganan, Ikaw na
karerang nais kong mapanalunan , Ikaw na
akala ko ay aking hantungan ay isa nalang kabaliwan. Na ang
mayroon tayo hanggang sa espesyal lang. Na ang
ninais ng puso na pagmamahal ay wala ng paglagyan. Kasi siya sa
buhay mo ay may kalagyan. Na ang ikaw
at ako ay mananatiling nakabaong patlang. Na ang
salitang ikaw ay kanya, Walang tayo sa mundo mo sinta, Dahil ang
totoo habang pinapangarap ko na mayroong tayong dalawa, Ay may mabubungot nagigising sa aking pagtulog
sinta, Mahimasmasan
at matatauhan na siya ay mahal mo, Na siya ay ganoon
din sa’yo. Na mayroong
kayo, Mayroong
kayo, habang walang tayo. © 2018 Yassi AsherAuthor's Note
|
Stats
110 Views
Added on January 6, 2018 Last Updated on January 6, 2018 AuthorYassi AsherLapu-Lapu City, Region 7, PhilippinesAboutI am Eliogen P. Arong .I am 24 years young. My boyfriend is a pen.I am engaged with music and married with poetry. I love writing but writing loves me more. more..Writing
|