Ikaw at Siya ay Iisa

Ikaw at Siya ay Iisa

A Poem by Yassi Asher
"

Isang spoken word poetry para sa mga taong hindi magawa-gawang aminin ang kanilang nararamdaman o damdamin para sa taong kanilang iniibig.

"

Siya at Ikaw ay Iisa

SPOKEN WORD POETRY ni Elai Arong

 

Siya..katagang ilang beses mo nang narinig habang kausap ako sinta .

Siya..nilalang na hindi mo man lang nakilala,

 kasi hindi ka man lang nag-abala na itanong sa’kin kung sino nga ba siya.

Siya .. salita na hindi naman nalalayo sa’yo kasi kung pisikal ang pag-uusapan,

Malamang ay kahulma mo siya.

 

Naalala mo ba nung sinabi ko sa’yong crush ko siya?

Nung sinabi ko na gusto ko na siya?

Naalala mo rin ba nung sinabi kong, mahal ko na yata siya?

Di ba sinabi ko pa nga sa’yo na namimiss ko siya?

Pero nasabi ko na ba na ang ikaw at siya ay iisa?

Malamang hindi pa,

Kasi habang kausap kita tanging siya lamang ang magagawa kong ikwento sa’yo.

Tanging siya lang ang maihaharap ko sa’yo,

Tanging siya lang ang alam kong maipapakilala ko sa’yo,

Ewan ko ba, kapag kaharap na kita ay hindi ko magawang aminin ang totoo,

Na ang ikaw at siya ay iisang tao.

Na ang katagang siya ay ikaw mismo.

 

Nasabi ko na yata halos lahat ng nais kong sabihin para sa’yo,para sa kanya.

Kung nabibilang lang ang bawat linya o pahayag na binitawan ko patungkol sa kanya habang kausap kita,

Ay malamang sa malamang ay nakalilimbag na siguro ako ng isang aklat na puno ng sekreto,

na puno ng damdamin na tanging alay ko para sa’yo, para sa kanya...

 

 

Alam mo, sa tuwing paksa siya ng ating usapan ay malimit kung nais isingit at isambit ang salitang ikaw.

Oo, nais ko sanang subukang sabihin ang salitang ikaw,

At magkunwaring mali lang ang nabitawang salita kapag bigla kang titingin sa akin at magtatakang bigla.

Tatawanan ang nasambit na salita at babaguhin na lamang bigla.

 

Minsan pa nga ay naisip kong sulatan nalang kita,

Magbabakasakaling kapag natanggap mo ang sulat ay magiging maayos ang lahat,

mailalabas ang nakaimbak na damdaming nais ipagtapat,

Papangarapin ang hangaring ninais ng pusong salat.

Ngunit hindi ko magawa, dahil sa nakaharang na katotohanang ,

Sa nakaharang na katotohanang dito nalang talaga magtatapos ang lahat. 

Hindi ko magawa, kasi alam ko ang salitang siya ay kailanmanma’y hindi magiging ikaw,

Na ang katagang tayo, sa mundo mo ay walang paglagyan,

Na ang salitang ako ay mananatiling patlang na hindi mapunan.

Dahil ang katagang ikaw ay mananatiling siya,

Mananatiling siya na pag-aari na ng iba. 

© 2018 Yassi Asher


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

54 Views
Added on January 6, 2018
Last Updated on January 6, 2018

Author

Yassi Asher
Yassi Asher

Lapu-Lapu City, Region 7, Philippines



About
I am Eliogen P. Arong .I am 24 years young. My boyfriend is a pen.I am engaged with music and married with poetry. I love writing but writing loves me more. more..

Writing