Sulat Para kay Kung Sino ka man (Liham)A Poem by Yassi AsherSulat o liham para sa taong aking hinahangaan...Imposibleng mang matanggap niya ito ang mahalaga ay nahandugan ko siya ng sulat laan lamang para sa kanya.Dear Alexander (Sander), Naaalala ko pa noong araw na sumibol ang aking paghanga sa iyo. Iyong tipo na palihim at may kalakip na inggit na siyang naging daan upang pati larawan mo ay gawing sentro sa "wallpaper" ng aking "cellphone". Inggit sapagkat angkin mo ang mga talento at ugali na aking ninais at pinapangarap sa buhay. Ang pagkainggit na ito ay hindi sa negatibong paraan ngunit sa positibong pananaw naman. Pinapanood ko lagi ang bawat palabas na mayroon ka at 'di hamak na magaling ka kung pagpapacute na, cute ka naman talaga!Labis kung tinutukan sa iyo ang palabas na ngayon ay patok na patok ang tambalan ninyo ni Liza Soberano. Hay naku! napahanga mo na naman ako!Kapag sa ASAP 19 naman ang pag-uusapan, sayawan mo sa entablado ang lagi kong inaabangan. Daig mo pa si Sir Garry V. , The Mr. Pure Energy kung humataw! Bawat pitik ng kamay mo at bawat kimbot ng beywang mo ay lalong nagpapaigting sa kainggitan at paghanga ko sa iyo. Minsan pa ay kumanta ka sa entablado at hindi ko akalain na may pagkabrusko pala ang boses mo, napanganga tuloy ako. Hindi ko naman kasi alam na marunong ka pala sa kantahan , akala ko tuloy sa talentong ito ako sa iyo na ay lalamang. Sa mga proyektong iyong gaganapin, asahan mong ako ay susubaybay din at patuloy na hahanga sa mga pangarap at pagsubok na iyong tatahakin. Sana ay hindi lang kita sa telebisyon kita makikita. Huwag ka sanang magbago at sana ay patuloy ka pa ring huhubog sa buhay ng iyong tagahanga at maging inspirasyon ko sa pagtupad ng aking mga pangarap.
E.P.A © 2017 Yassi Asher |
StatsAuthorYassi AsherLapu-Lapu City, Region 7, PhilippinesAboutI am Eliogen P. Arong .I am 24 years young. My boyfriend is a pen.I am engaged with music and married with poetry. I love writing but writing loves me more. more..Writing
|