Kaibigan, Ka-ibiganA Poem by Yassi AsherIsang tanghalang pagtutula (spoken word poetry) na pumapatungkol sa lihim na pagtingin ng may-akda sa kanyang kaibigan. Dito na ibinahagi ang kanyang karanasan at nararamdaman sa kanyang ka-ibigan.KAIBIGAN NA KA-IBIGAN (spoken poetry) By Elai Arong Kaibigan, Yan ang ating tawagan at turingan Alam ko at radam ko, kaibigan lang talaga at hanggang du’n lang tayo Pero kahit anong pilit at kahit anong pagkukubli Kahit anong tago ay paulit-ulit na namumutawi Yung pagnanais na sana kahit sa panaginip magkawangis ang sinisigaw ng puso nati’t isip Yung tipong sa pagtulog ko ikaw ang nasa panaginip At sa paggising ikaw palagi ang naiisip Pinilit kong iwasan,ulit-ulitin ko mang itago, Ilang beses ko mang itanggi , Alam kong unti-unti akong nahuhulog sa’yo Unti-unti akong nahuhulog at sa huli ay madadapa’t madadapa sapagkat walang kamay na sasasalo sa puso kong sawi. Hindi naman talaga ako ganito dati, nagsimula ito nung araw na sinabi mong, “Ako nga pala si B!” Habang ako’y nakatingin lamang sa nakalahad mong mga kamay Ay nagawa mo pang ngumiti kahit na ang pakikitungo ko sa iyo ay matamlay Nang mga sandaling kausap ka, Na akala ko’t makikilala lang kita sa ngayon at aalis sa buhay ko sinta Naalala mo pa ba yu’ng araw na sinabi mo sa akin na, “Salamat kasi nandiyan ka, salamat kasi naging kaibigan kita!” Oo, kaibigan lang kita! Kaibigan mo lang ako. Ang sarap sanang pakinggan kasi nanggaling sa’yo, Pero bakit nang sinambit mo ang huling kataga, sakit sa pakiramdam ang nadarama ko? Kaibigan! Salitang ayaw ko na sanang marinig, kasi umaasa pa akong hindi diyan tayo mauuwi. Pero parang hindi nakikisabay si tadhana at ang pana ni Kupido lumihis ng pakaliwa Naalala mo ba? Naalala mo ba nung sinabi mong may gusto kang iba? Nung sinabi mong mahal mo siya. “Mahal mo siya!” Nakita mo pa ngang ngumiti ako. Oo ngumiti ako kasi masaya ka. Ngumiti ako kahit ang sakit sakit na, Hindi ko alam kong bakit ko kinaya , pero nagawa ko. Nagawa kong ngumiti sa harap mo Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako kasi napapangiti ka niya na inaasam-asam kong sanang, ako sana. Natapos ang usapan nating dalawa, pero hindi ang sakit na aking nadarama. Patuloy na pinipiga ang puso ko’t isip na nagdurusa Na kahit sa pagtulog ko’y paulit-ulit na sinasabi ng aking isip Ang mga katagang ayaw ko na sanang marinig, “Mahal ko siya, Mahal mo siya.” Naiinis ma’y nagtitiis kasi kaibigan kita, kaibigan lang kita. Inisip kong sabihin sa’yo ang aking nadarama. Nagbabasakaling , kung masabi ko man sa’yo ang lahat-lahat ay may mababago at ika’y magtatapat Ngunit hindi ko magawa, Hindi ko magawa kasi habang kaharap kita hindi ko alam kung papaano sisimulan, Nauutal! Oo at nauutal dahil natatakot akong sa bandang huli ay pagsisihan ko lang ang lahat At Baka masabi ko ang mga salita na siyang magiging sanhi ng iyong paglayo’t paglisan pagbitiw sa tali na tanging kinakapitan ko mapalapit lamang sa piling mo. Naduduwag, oo na’t duwag, duwag mang iisipin ng lahat ngunit magpaparaya At mas nanaisin ko pang mahalin ka ng palihim, masulyapan ka sa malayo kahit hindi ka sa’kin nakatingin Makita kang nakangiti sa’kin ay masaya na ako. Malalaman mo man o hindi, mamahalin at mamahalin pa rin kita dahil ganyan ang tunay na pag-ibig, nagmamahal ng walang hinihinging kapalit. Masaya ako, kasi naging kaibigan kita at hindi ako nagsisisi. Kung mabubuhay man ako sa ibang panahon, sana , Sana hindi lang ako yung tao na kaibigan mo lang, Sana ako na din yung tao na mamahalin mo at magmamahal sa’yo. Oo, kaibigan mo lang ako. Taliwas sa nais ng puso ko ngunit ninais ng tadhana na maging ganun na lang talaga tayo. Hanggang rito nalang tayo dahil alam kong sa pagkakaibigan, magtatagal tayo. © 2017 Yassi Asher |
Stats
382 Views
Shelved in 1 Library
Added on October 19, 2017Last Updated on October 19, 2017 Tags: love and Friendship AuthorYassi AsherLapu-Lapu City, Region 7, PhilippinesAboutI am Eliogen P. Arong .I am 24 years young. My boyfriend is a pen.I am engaged with music and married with poetry. I love writing but writing loves me more. more..Writing
|