Nakabaong Pag-ibig (poem)A Poem by Yassi AsherPag-ibig na sapilitang itinago at ibinaon sapagkat kailangan. Hindi naman sa bawal na pagmamahal pero sadyang wala sa tamang panahon at tamang pagkakataon. Ang pag-ibig na ito ay ipinagmamalaki ng patNakabaong Pag-ibig ni Elai Nakapikit ako habang nakatanaw Nagugunita ko ang nagdaan nating mga araw Alaala mo'y kaylanman ay 'di pumapanaw, Isip kong tulog lagi mong pinupukaw. Nakikita kong ika'y hindi ko na malilimutan, Sisibol man ang pagtingin ko sa iba'y, puso ko parin sa'yo'y nakalaan Pag-ibig ko'y hindi mapaparam kahit humalik man ang araw sa dalampasigan Tatanawin ka pa rin abutin man ng magdamagan. Hilain man ang puso ko palayo sa piling mo Kahit anong iwas ng tadhana'y bumabalik sa'yo Minsan pang nagbiro ang pana ni Kopido Kahit lumihis ng takbo'y tumatagos pa rin sa puso. At kung hindi man ikaw ang itinadhana Hayaan mo sanang masilayan ka kahit sa tuwina Hindi ko nanaisin na ikaw sa akin ay mahalina Presensya mo lang sa araw-araw ay ayos na. © 2017 Yassi Asher |
StatsAuthorYassi AsherLapu-Lapu City, Region 7, PhilippinesAboutI am Eliogen P. Arong .I am 24 years young. My boyfriend is a pen.I am engaged with music and married with poetry. I love writing but writing loves me more. more..Writing
|