Boting PulaA Poem by Yve
Sa dalampasigan ako nakatitig
Habang ang mga alon at puno ay patuloy na sumasayaw Sa ritmong bigay ni Haring Hangin. Ang tunog na di ko makakalimutan Ang buhanging kumikinang Ang araw na lumulubog At ang ma alat na tubig. Sa gitna ay isang malaking bangka Karga ang isang boting pula Na di akalaing sa loob Ay isang mahabang tula. Tula na inialay ng makata sa isang makata Tula na naghihintayng basahin ng pinagsulatan ng may akda Tula ng isang taong umiibig Tula ng isang taong nanalangin kay Bathala, Na sanay panalangin nya ay ringin - ang makita siyang masaya, kahit hindi na sa kanyang piling.
© 2022 Yve
|
Stats
70 Views
Added on August 9, 2020 Last Updated on June 5, 2022 AuthorYveCebu, VII, PhilippinesAboutIt is not just my poetry who is talking to you. It is my sad soul crying for help. more..Writing
|