LayagA Poem by Yve
Sa pagpatak ng ulan
Ay siya ring pagpatak ng luha Na para bang ang panahon Ay sumasabay sa aking pagluluksa. Pagluluksa sa mga pangarap na di ko naabot Pagdadalamhati sa mga pangyayaring di ko inaasahan Pagkabigo sa aking mga laban At pagdaramdam sa sakit, na hatid sa akin ng kapaligiran. Kapaligiran na nababalot na sa kadiliman dulot ng ulan At habang patuloy itong pumapatak Mga bagay na ito ay patuloy na naglalaro sa aking isipan At tanging pag-iyak lang ang aking alam Kung paano maibsan ang aking mga dinaramdam. Ngunit sa kabila ng aking dinaramdam at sa kabila ng ulan Alam ko na pagkatapos nito, Bahag-hari ang siyang aking masisilayan Nagpapatunay na sa kabila ng sakit Ay may naghihintay na kasiyahang Hindi ko mabatid at maipagpalit. Kaya sa pagtapos ng ulan Ay siya ring pagbangon ng aking kalooban Patuloy na lalayag sa mundong ginagalawan Kahit ako ay madapa at bagyohin man. Lalayag at lalayag ako Hanggat misyon ko sa mundo ay maisakatuparan ko Lalayag at lalayag ako Ng naayon din sa Kanyang mga plano. Artwork by: Claire Sevilla © 2020 YveReviews
|
AuthorYveCebu, VII, PhilippinesAboutIt is not just my poetry who is talking to you. It is my sad soul crying for help. more..Writing
|