Hindi PaA Poem by Yve
Sa ilalim ng punong mangga
Isang dalaga ang aking nakita. Nakapikit ang kanyang mga mata Habang ang katawan niya ay sumabasabay Sa indayog ng duyang pula. Labi niya ay nakangiti Ng napakatamis at tila nakakabighani. Makinis ang kanyang mga pisngi Na tila nanghihikayat na ito'y haplusin gamit ang aking malambot na mga daliri. Di man niya ako nakikita Ang mahalaga ay kitang kita ko siya. Di man niya ako lubusang nakilala Ang mahalaga ay alam ko kung sino siya. O kay ganda niya, ang ganda niya Paa koy gustong lapitan siya Ngunit alam kong ako'y masasaktan sa huling banda Dahi gustohin ko mang sabihin na mahal na mahal ko siya, matagal na Alam ko sa sarili ko na hindi pa siya tapos magmahal ng iba. © 2020 YveAuthor's Note
|
AuthorYveCebu, VII, PhilippinesAboutIt is not just my poetry who is talking to you. It is my sad soul crying for help. more..Writing
|