Huwag Kang Pumikit, Sabi ni Marikit.A Poem by YveHijo at Hija, Anong oras na ba? Anong petsa? Anong buwan? Bakit parang bumabalik tayo sa nakaraan? Na tila mga naghihilom na sugat Ay kusang nabubuksan. Hijo at Hija, Anong oras na ba? Anong petsa? Anong buwan? Bakit naririnig ko ulit ang iyak, ng mga taong uhaw sa kalayaan? Na tila mga luha nila'y patuloy na umaagos Na parang walang hangganan. Hijo at Hija, Anong oras na ba? Anong petsa? Anong buwan? Bakit mga bibig natin ay pilit na siniselyohan? Na tila ba ayaw nila nating bigkasin, ang mga katotohan Sa likod ng mga kasinungalingang ipinagkalat sa taong bayan. Hijo at Hija, Anong oras na ba? Anong petsa? Anong buwan? Bakit mga mata'y pilit na pinipiringan? Na parang gustohin nila, tayo ay mabulag o kaya'y magbulag-bulagan, Sa mga katotohanang pilit nilang hindi maisiwalat. Hijo at Hija, Anong oras na ba? Anong petsa? Anong buwan? Bakit parang nakikita ko ulit ang isang pelikula patungkol sa isang bayan? Na ang mga tao doon ay uhaw sa kalayaan at kapayapaan. Bayan, na nagdudusa dahil sa mga makapangyarihan. Kaya Hijo at Hija, Ako nga pala si Marikit Naghihikayat sa iyo na sana ay marinig Ang mga boses at tinig ng mga taong, Nasasaktan at naaapi dahil sa mga taong malupit. Ipaglaban mo ulit ang kalayaan at kapayapaan Na minsa'y dinukot ng isang makapangyarihan. Ipaglaban mo ulit ang bayan Na kusang ipinaglaban ng mga bayani at mga taong bayan. Hijo at Hija, Buksan ninyo ang inyong bibig, Buksan ninyo ang inyong tainga, Buksan ninyo ang inyong mga mata, Buksan ninyo ang inyong mga isipan. Buksan ninyo ang inyong mga puso. Kapag ito ay nabuksan na, kasalanan na ang pumikit. © 2020 YveFeatured Review
Reviews
|
Stats
106 Views
3 Reviews Added on June 16, 2020 Last Updated on August 17, 2020 AuthorYveCebu, VII, PhilippinesAboutIt is not just my poetry who is talking to you. It is my sad soul crying for help. more..Writing
Related WritingPeople who liked this story also liked..
|