Litrato sa Buwan ng EneroA Poem by Yve
Madilim na sa labas
Di ko na naman namamalayan ang oras Sapagkat patuloy lang akong nagmamasid Sa mga taong labas pasok sa isang silid. Sa isang silid, kaharap ko ang mga bituin Na patuloy na kumikislpa at nakikiusap Nakikinig at minsa'y nagtatanong din. Nagtatanong, kung kailan ako hihinto? Saan nga ba ito patungo? At saan ito hahantong, ang puso kong nakakulong? Hindi ko alam, Ala-ala niya'y di ko pa kayang bitawan Saksi ka, habang iyong pinapakita ang isang larawan. Ito ay litrato sa buwan ng Enero Pumatak bigla bigla ang luha ko Luha, na minsan ay naging ngiti dahil sa'yo. © 2020 YveReviews
|
Stats
170 Views
1 Review Added on March 5, 2020 Last Updated on March 5, 2020 AuthorYveCebu, VII, PhilippinesAboutIt is not just my poetry who is talking to you. It is my sad soul crying for help. more..Writing
|