TanawA Poem by OydrinTaken at Kure, a fishing village in Kochi, Japan.
Malayo ang tingin, wala namang tinatanaw,
Paminsan-minsan pa'y may buntong hiningang bitaw; Sa aking pagmasid litaw ang sinag ng araw, Natutong tumingin ng hindi na nasisilaw; Malayo ang tingin, wala naman tinatanaw; Ang alo'y may bato't buhangin na ginugunaw Minamasdan mga nag-iikot na agila, D'on sa himpapawid, kung sa'n ang hari ay sila Malayo ang tingin, wala namang tinatanaw; Sumusundot sa alaala, minsan ay ikaw; Hindi naman lungkot, at hindi rin naman saya, Walang panghihinayang, ngunit may pagtataka Malayo ang tingin, wala namang tinatanaw, Paligid ko ay tubig, ngunit ba't nauuhaw? Paligid ko ay tao, ngunit tila mag-isa; Hindi ako'ng may sala -- lalong 'di naman sila Malayo ang tingin, wala namang tinatanaw; Kalikasa'y tiyak at tahimik kung gumalaw Mga uwak lang ang kay ingay kung magliparan -- Itim na ibon na puno ng buhay rin naman Malayo ang tingin, wala namang tinatanaw; Hindi man maiwasan na maisip ay ikaw, May'rong bulong ang dagat gamit ang kanyang galaw, Gumuguhong buhangin para bang lungkot-banlaw Malayo ang tingin, wala namang tinatanaw; Tanawing 'di tiyak na may mangha namang bitaw; Ang dulo man nito'y hindi ko pa natatanaw, Ang buhay, tunay, -- singlawak din ng dagat ang saklaw. © 2022 Oydrin |
Stats
71 Views
Added on July 13, 2022 Last Updated on July 13, 2022 |