![]() KayJeA Poem by Oydrin![]() Written in the Filipino language.![]()
Sana'y puksain ng aba 'kong katapatan
Ang damdaming sa puso ko ay gumimbal Pagkat ang pag-ibig ay isang larangan Kung saan ako'y ipinanganak na hangal At wala pang guro na sa aki'y nagtulak Na sigaw ng puso ay aking dinggin Pagkat 'di na lingid sa isang pusong busilak Na ang tunay na alay ay 'di mapansin Sa mundong pumapanaw ang 'di matitikas O tadhana! Saan mo 'ko madadala? Kung damdamin ay parang kugong nagniningas Pag ika'y nadarang, ay! Abo na pala! Kaya't ang dalangin sa tuwina'y payak lang, Na sa pawang lunos ay huwag na 'kong dalhin Ng pagsinta 'kong labis ang pagkasalang Ngunit tago, at maihahalintulad sa hangin.
© 2016 Oydrin |
Stats
92 Views
Added on March 4, 2016 Last Updated on March 4, 2016 Author
|