Kabanata 1. NormalA Chapter by l0urEnEto na ung sinasabi kong komplikasyon kanina, at si Kyle din ang may kasalan nito...Ang buong akala ko wala nang pwede pang mangyari sa buhay ko. Mas-normal pa ako sa normal. Siguro kung mayroon mang kakaiba sa akin, yun na yung hindi ako palakaibigan. Lahat naman halos kasi ng tao gusto may kasamang kaibigan, yung nakakausap. Ako kasi, hindi. Sa totoo lang, mas masaya nga akong nagiisa eh. Mas gusto ko yung nakakapagisip ako. Kaya nga ba nainis ako nang bigla nalang akong nilapitan ni Kyle Valerio. Nag-aantay ako ng klase ko noon nang bigla siyang lumapit at kinausap ako. Nakaupo lang ako sa tapat ng silid-aralan, nakasalpak ang earphones sa tenga. Medyo naiinis pa ako noon dahil ang aga nagpalabas ng naunang klase ko – unang araw kasi. Wala tuloy akong magawa. Masarap sanang tumambay, ang kaso, madami kasing pakialamera dito sa unibersidad – tingin ng tingin. Naiirita lang ako. “Ikaw si Gwen, di ba?” Hindi ko naiwasang itaas ang dalawang kilay ko. Ano ba naman kasing kailangan niya? Hindi yoon ang unang pagkikita namin. Natatandaan ko, naging magkaklase kami sa Math noong unang taon sa kolehiyo. Siya ung lalaking nakaupo sa likod na tingin ng tingin. Buti sana kung tumitingin siya dahil nagandahan siya sa akin, o kung ano man – na malabo rin naming mangyari. Ang kaso, kakaiba yung tingin niya. Para bang may gusto siyang tanungin pero di niya masabi. Hay… Nakakainis lang talaga. Napangiti lang siya. “Ako nga pala si Kyle. Natatandaan mo? Magkaklase tayo noon sa Algebra.” Oo, natatandaan ko. Ano naman sa iyo? Siyempre tumango lang ako. Yun na yun. Simula noon, lagi na niya kong kinakausap. Pagdating ko sa klase, lagi siyang kakaway sa akin at ituturo ang katabing upuan ng sa kanya. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng subjects na pwedeng kunin, naging magkaklase pa kami uli sa World Literature? Hay buhay... Pero siyempre, hindi pa doon nagsisimula ang kwento. Mayroon pang masmalaking komplikasyon kaysa sa pagkausap sa akin ng weirdo-ng taong yun. Dadating din ako dun mamaya. Napatigil ako sandali sa tapat ng silid-aralan. Alam ko namang pagpasok ko sa pinto, andun nanaman siya’t kumakaway. Akala ko pa naman nung una masasanay rin ako. Ang kaso mukang hindi na ata darating ang araw na yun. Tinulak ko ang pinto pabukas at tumungo sa tabi ni Kyle. Hindi ko na kailangang tumingin pa sa kanya para malamang nandun siya. “Pasalamat ka late nanaman si ma’am.” Heto nanaman po tayo. Hindi na kasi siya talaga nawawalan ng sasabihin. “Bakit ba kasi ang tagal tagal mo laging dumating?” “Kasi nga galing pa ko sa Engineering building,”ang sagot ko nang may kaunting inis. Sa totoo lang, hindi ako ganito sumagot noong una, may konting kimi pa kasi bago lang kaming magkakilala. “Ang tagal kaya bago magpalabas ng prof ko dun.” Umiling siya. “Dapat kasi sinasabi mo na may klase ka pang kasunod at kailangan mo pang maglakad.” Sa tingin ko, nasanay narin siya sa mga sagot ko. “Eh bakit ba? Lagi naman ngang late si ma’am eh. No harm done.” Nagbuntong hininga siya. Bakit ba naman niya kasi ako pinakikialaman eh no? “Bahala ka. Sayang din ung dagdag na 0.25 sa final grade for complete attendance.” Natawa ako ng kaunti. “Aba, grade conscious ka pala. Akalain mo yun.” Hm... Siguro nga kahit may inis ako ng kaunti sa kanya, masasabi kong magkaibigan na kami. “Ang yabang nito! Bakit ikaw, hindi?” “Sa majors oo. Pero dito, sa World Lit.? Asa.” Sasagot pa sana siya sa pangaasar ko, ang kaso dumating na ang propesor namin kaya nanahimik nalang siya. Pagkatapos ng klase, magkasabay kaming naglakad papunta sa kantina. Nakagawian na rin kasi naming kumain doon pagkatapos. Pareho kasing two-thirty pa ang sunod naming klase. Ako sa Math building, siya sa bagong Physics Institute. “Anong kakainin mo?” tanong niya habang bumababa kami ng hagdan. “Ah... Hindi ko pa alam eh. Kahit ano nalang sigurong nandun.” “Walang pagkaing ‘kahit ano’ no.” Inikot ko ang mata ko. Gasgas na kaya yun. “Ha-ha... Ang corny mo.” “Bakit nagpapatawa ba ko?” “Ah basta, ang corny parin.” Hindi ko alam kung saan siya namulot na kamalasan ngayong araw na ito dahil nang dapat ay sasagot na siya, bigla nalang may dumaan na babaeng may mahabang buhok sa harapan namin. Eto na ung sinasabi kong komplikasyon kanina, at si Kyle din ang may kasalan nito. Naalala niyo noong unang beses na kinausap niya ko? Yoon din ang araw na napasubo ako sa gulo. Paglabas ko ng klase, sinundan niya rin ako. Sinubukan ko pa siyang iwan noon. Ngayon nga pag-naiisip ko, ano kayang nangyari kung naiwan ko siya noon? Eh di sana normal pa rin ako. Hay... Sa kaiisip ko noon kung paano ko siya masasalisihan, hindi ko napansin yung nagiisang baitang bago makalabas ng gusali. Muntikan pa akong matapilok noon kung hindi niya biglang hinawakan ang balikat ko. “Bakit ka ba kasi nagmamadali?” Nagulat ako. Para bang, teka, close tayo? “Hindi ako nagmamadali...” pakimi ko pang sagot. “May...” Napulot ako dahil sa isang batang lalaking bigla na lang tumakbo sa likod niya. O sige na nga, hindi naman talaga ako normal dahil nakakakita na talaga ako ng kung anu-ano mula pa nang bata ako – multo, maligno, lahat na. Siguro dahil na rin doon kaya ayaw kong nakikipagkaibigan. Siyempre, wala akong pinagsasabihan. Natatakot din kasi akong baka katakutan ako ng tao. Ayaw ko naman nun... Ang tanging nakakaalam lang ay yung lola ko na nakakakita din. Patay na siya ngayon. Naalala ko pa, umiyak ako ng husto nang namatay siya. “May ano?” Yun ang unang beses na narinig ko ang siryosong boses ni Kyle. Iba siya sa normal na boses niya – masmalalim at pwede na ring gamiting panakot kung gugustuhin niya. “Wala.” Tinalikuran ko siya noon. Ayaw ko kasing magpaliwanag. Ano naman kasi ang sasabihin ko? May batang tumatakbo sa likod mo at alam mo ba, ang cool kasi wala siyang ulo? Malay ko bang nakakakita rin siya. “Teka, Gwen.” Hinabol pa rin niya ko. Noong panahonh yun, talagang gusto ko na siyang sigawan na iwanan na niya ko. Nilagay nanaman niya ang kamay niya sa balikat ko at pilit na hinarap ako sa kanya. Sa palagay ko, hindi naman siya nahirapang gawin yun kasi maliit lang naman ako. At siya... well, malaki siyang tao. Nagulat ako noon nang makita kong hindi na gumagalaw ang mga taong nakapalibot sa amin. Sa totoo lang, ginusto kong sumigaw. Pero siyempre hindi ko ginawa. “Anong nangyari?!” Nanlalaki ang mga mata ko sa takot at kaba. Mala ko ba kung ano siya at kung anong gagawin niya sakin. In fairness, ipinaliwanag naman niya ang lahat sa akin. Tapos ay dinala niya ako sa tambayan-kuno ng kunwari din namang organization na kinabibilangan niya. Simula noon, ‘miyembro’ narin ako ng nasabing samahan. Yung detalye? Marami, kaya saka ko na ipapaliwanag. “Gwen.” Siryoso na ang tono ng pananalita niya. “Oo alam ko.” Naglakad kami patungo sa pinakamalapit na pwedeng patungan ng ng gamit at ibinaba ang aming mga dala. Tumalikod ako at iwinasiwas ang isa kong kamay sa hangin. Sa isang iglap ay tumigil lahat ng naglalakad.
© 2008 l0urEn |
Stats
308 Views
Added on July 7, 2008 Last Updated on July 7, 2008 Authorl0urEnMandaluyong, PhilippinesAboutWell, I'm not really an interesting person. I go to school, hang out with friends, eat, sleep... pretty much everything normal equals me. But I do love to write. I'm just not sure writing loves be ba.. more..Writing
|