Kung masasabi ko lang sa crush ko to.

Kung masasabi ko lang sa crush ko to.

A Poem by bryan022

Kung hahayaan mo lang
Na ligawan kita,
Di lang mundo ko ibibigay
Pati araw damay na.

Kasi walang buhay ang mundo ko,
Kung wala presensya mo.
Di lang init binigay, naliwanagan mo pa to
Isa lang yan sa rason, bat sayo nahulog ako.

At kung "Oo" man sagot mo?
Sa mga lakad mo walang ipapabago
Sa mga tropa mo makikisama 'ko
Nauna naman talaga sila, Ako lang yung dayo.

Dadalhin kita sa bahay
Di dahil mag isa ako
Dadalhin kita sa bahay
Para ipakilala sa pamilya ko

At kung ikay may mga tanong
Walang ililihim sayo
Kalikutin mo man cellphone ko,
Walang itatago sayo

Kasi 'lam kong di ka dapat saktan.
Kung alam mo lahat, di ako kakabahan.
Di darating yung araw na maglolokohan.
Kasi ikaw yung tipong di dapat pinakakawalan.

Rerespetuhin ko bawal desisyon mo,
Pakikingan ko mga rason mo.
Sa relasyon natin, Pinas ka at si Pnoy ako.
Ako man ang lalake, ikaw naman ang boss ko.

Di ko mapapangako na di ka masasaktan.
Pero mangyari man, pangakong di ako ang dahilan.
Pinaiyak ka man, pinaasa o niloko
Di ko magagawa yun, bumaha man sa disyerto.

Kaso mukhang malabo lahat to.
Baka kasi pag sinabi ko, iwasan mo lang ako
Oo Mahal kita, pero ang mawala ka, mas takot ako.
Kaya mamahalin nalang kita, mula dito sa mga tula ko.

© 2016 bryan022


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

102 Views
Added on December 10, 2015
Last Updated on February 8, 2016
Tags: Credits to: Superuno

Author

bryan022
bryan022

Manila, Region NCR, Philippines



About
Love to play my thoughts, words and feelings which inspired me to do my writings. :) more..

Writing
Falling Falling

A Poem by bryan022