Isang Natapos na Kabanata.

Isang Natapos na Kabanata.

A Poem by Brigg Aries
"

Para sayo to. Pasensya ka na di ko nasabi ng buo kaya ipapahayag ko na lang sa pamamaraang alam ko :)

"
Andito nanaman ako sa harap ng mesa lasap ang hanging ng mahalimuyak umaga. Iniisip kung paano magsisimula sa gagawing tula, ang tula na magiging marka para sa isa nanamang natapos na kabanata. Pasensya na kung di ko masabi ng harapan. Sadyang pagkaharap ka na ibang kaba ang nararamdaman. Kaya eto ako, gamit ang papel at tinta umaasang maipahayag ang huling mga salita na sanay manatili sa iyong alaala.

Gusto ko lng naman talagang magpasalamat. Salamat dahil hindi mo ako hinayaang palutang lutang sa hangin. Salamat sa tapang na pinakita mo nung sinabi mo sa harap ko na "kaibigan lang ang tingin ko sayo" Pasensya ka na kasi sinubukan kong ipilit ang sarili ko sayo na parang nagsosoot ng singsing na hindi kasya. pero salamat dahil hinayaan mo akong mahalin ka kahit alam kong nahihirapan ka dahil ayaw mo akong makitang umaasa. Salamat kasi dahil sayo naranasan ko muli an magmahal sa kabila ng katotohanang di rin ito magtatagal.

Ngayon ngang aalis ka na, siguraduhin mong mag-iingat ka. Saan ka man dalhin ng mga alon ng karagatan, tandaan mong and Diyos natin ay laging nanjan hindi magsasawang ikaw ay gabayan. Hindi ko alam kung magkikita pa tayo sa paglipas ng panahon at di na rin ako sigurado sa mukha ng mundo kapag nangyari iyon pero ito lang ang gusto kong malaman mo: Iisipin kita kapag kaylangan kong paalalahanan ang sarili ko na sa kabila ng lungkot at pighati na dulot nitong mundo ay kaya ko paring ngumiti dahil may kagandahan at kabutihan parin dito sa ginagalawan ko.

© 2018 Brigg Aries


Author's Note

Brigg Aries
This is written in Filipino language. I'll do my best to rewrite it in English soon ^^

My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Reviews

no need para sa akin ang translation dahil taga pinas din ako. naramdaman ko yong sakit sa tula mong ito ang hirap umasa lalo na alam mong wala ka ding maasahan sana lang darating din ang para sa iyo.

for english translation: i am also from the Philippines so i don't need the translation. I felt the pain in this poem because it is hard to love a person in a one-sided way, there is not even a single chance that it can be requited and i hope there will really be the right person for you.

Posted 6 Years Ago



Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

148 Views
1 Review
Added on March 23, 2018
Last Updated on March 23, 2018

Author

Brigg Aries
Brigg Aries

Philippines



About
young man exploring the world of poems and stories. more..

Writing
Dreamer Dreamer

A Poem by Brigg Aries