Hindi Ko AlamA Story by binibiningmayaMinsan talaga dumarating sa buhay natin na parang ang hirap lang. Parang wala ng pag-asa.
Ang hirap lang kasi.
Yung pakiramdam na parang wala na. Yung pakiramdam na gusto mo na magsisi.. Yung tipong ayaw mo na. Gusto mo na sumuko. Oo sa buhay ko marami na akong pinagsisihan pero palagi ko nga sinasabi dapat panindigan ko yung pinili ko na daan para hindi ako sobrang malungkot. Nakakatulong naman pero wala eh, may panahon pa din na parang ayaw na. May panahon na palagi ko sinasabi na sana hindi nalang ito yung pinili ko, eh di sana hindi ganito nangyari sa akin. Nakakainis lang kasi ng sobra. Akala ko kaya ko pero bakit ang hirap? Dati nanghahanap ako ng pagsubok sa buhay ko pero bakit ngayong may mga pagsubok umaayaw na ako? Bakit ganun? Mahina lang ba talaga ako? Ayoko na ng ganito na sitwasyon. Ayoko din namang basta basta nalang sumuko pero yung paligid ko kasi parang sinasabing sumuko nalang ako. Bakit ganun? © 2015 binibiningmayaAuthor's Note
|
Stats
146 Views
Added on September 7, 2015 Last Updated on September 7, 2015 AuthorbinibiningmayaPhilippinesAboutSomeone you can count on... Someone who listens patiently to what you are going to say.. I can be someone you can lean on when you have a problem. I may not be a big help but I make sure that I will a.. more..Writing
|