EmosyonA Story by binibiningmayaLahat tayo may pinagdadaanan pero kaya nga tinawag na pinagdadaanan kasi dadaanan lang natin, huwag nating tambayan. Malungkot minsan ang buhay pero dapat hindi tayo magpapatalo.
Bakit ganun?? Bakit minsan ang daya?? Bakit sunod-sunod nalang yung mga nangyayaring hindi maganda? Ano po ba ang kasalanan ko?
Minsan po kasi gustong gusto ko na ang umayaw at sumuko pero hindi pwede eh.. Kahit pagod na pagod na ako hindi pa din pwede kasi walang ibang makakatulong sa akin kundi sarili ko lang. Kapag huminto ako wala ng gagawa para sa akin. Siguro din iniisip ng iba na ako yung tipo ng taong walang problema, yung tipong ngingiti lang. Pero kung alam lang nila, sobra na ang hirap. Pero kailangan ko kayanin lahat ito. Alam ko pagkatapos nito, magiging okay na ang lahat. Hindi naman tayo bibigyan ng Panginoon ng pagsubok na hindi natin kakayanin di ba? Andiyan naman siya palagi para alalayan tayo. Kailanman hindi niya tayo pababayaan. Magtiwala kalang sa kanya.
© 2015 binibiningmaya |
Stats
139 Views
Added on August 24, 2015 Last Updated on September 7, 2015 AuthorbinibiningmayaPhilippinesAboutSomeone you can count on... Someone who listens patiently to what you are going to say.. I can be someone you can lean on when you have a problem. I may not be a big help but I make sure that I will a.. more..Writing
|