![]() Walang Makakapantay Sa'yoA Poem by binibiningmaya![]() Ang pagmamahal ng isang ama ay walang katapusan at walang hinihinging kapalit. Mapalad ako na alam kong sa buhay ko, may isang lalaki na mamahalin ako ng wagas.![]() Noong bata ako, siya ang buhay na manika ko Siyempre hindi siya nagrereklamo, prinsesa niya kaya ako. Suklay dito, suklay doon at tinatali ko pa buhok niya. Marami akong kalokohan noon pero ang haba parin ng pasensya.
Noong medyo malaki na ako, nagiging abala na siya, Ayos lang sa akin kasi para naman sa amin ang mga ginagawa niya. Pero minsan kapag dumating siya natatakot ako, Pagod kasi siya kaya dapat palagi kang alerto.
Ang taba niya dati pero ngayon kabaliktaran na, Kayod dito, kayod doon ang kanyang ginagawa. Dahil sa amin alam kong hirap na hirap na siya Kaya naiinis ako sa sarili ko kasi wala man lang akong magawa.
Mabait siya, hindi niya kami pinapagalitan, Pero kapag nagbigay ng payo ramdam na ramdam. At isa lng talaga ang masasabi ko Para sa
akin kailanman walang makakapantay sa’yo.
© 2015 binibiningmayaFeatured Review
Reviews
|
Stats
214 Views
3 Reviews Added on August 22, 2015 Last Updated on August 22, 2015 Author![]() binibiningmayaPhilippinesAboutSomeone you can count on... Someone who listens patiently to what you are going to say.. I can be someone you can lean on when you have a problem. I may not be a big help but I make sure that I will a.. more..Writing
|